Not Ordinary

48 0 0
                                    






Napapreno ako sa kotse ko at bumusina ng malakas sa sobrang frustration. Paano ka ba namang hindi mabwi-bwisit kung madaling-madali ka na at sumabay pa ang lakas ng ulan na akala mo may kasamang tornado sa sobrang lakas ng hangin. Tatangayin pa yata ang kotse ko sa bagyo.







Napasabunot ako ng buhok ko at inis na hinampas ang steering wheel. Paano na ang promotion ko sa trabaho? Magiging bato pa? Kung hindi ako mapropromote, anong mangyayari sa akin? Nganga.






Hindi ko makita ang daan at nahaharangan pa ang puno ng niyog ang daan. Wala nang ibang daan maliban nalang sa kaliwa kung saan ang shortcut. Madilim doon at kakaunti lang ang nadaan, minsan ay wala pa.






No choice. Iniliko ko ang sasakyan ko sa shortcut at nagmaneho pero nag-ring ang phone ko kaya kinabit ko ang earpiece ko sa tainga.




“Hello?” Sagot ko.




[Aion Nyx Wellington! Nasaan ka na? Alam mo bang kanina pang fifteen minutes nagsimula?!]






Humigpit ang kapit ko sa steering wheel habang naka-focus ang tingin sa madilim na daan. Malas yata ako ngayon, naulan na, wala pang nadaan na kapwa ko may kotse dito.
“On the way na ako, Chaos. I’ve take the shortcut.” Sagot ko.





[What? Shortcut? Matagal nang sarado ‘yan diba? Bakit diyan ka dumaan?] Tanong niya at narinig ko ang background kung saan nagsasalita na ang boss namin.






“Wala na akong choice. May humarang na puno ng niyog sa dinaanan ko kanina at umuulan pa. Makakapaghintay pa naman siguro kayo? Malapit na talaga ako.”




Nakarinig ako ng buntong hininga sa kabilang linya at ang pagsabi niya ng ‘sige’ pati na ang pagputol ng tawag. Malakas pa rin ang ulan at totoo ngang may bagyo. Pero kahit ganito, nagawa ko pa ring ngumiti. Atleast, mapo-promote na rin ako sa trabaho pagkadating ko.





Tumagal pa ng ilang minuto ang pagmamaneho ko at parang paulit-ulit nalang ang nadadaanan ko. Madamo ang lugar at parang probinsya sa dami ng puno na nakahalera. Creepy tignan dahil madilim dito kahit alas-sais pa lamang.





Hindi ko nalang pinansin at muling nag-drive.



Pero ilang minuto na rin ang lumipas at paulit-ulit nalang ang nadadaanan ko. Tinigil ko muna ang sasakyan sa isang tabi at kinuha ang phone kong nakalagay sa bag ko. Mahina ang signal kaya tinaas ko pa ang phone ko para lang makasagap at tinawagan si Chaos.





[Oh? Asan ka na?]
Huminga ako ng malalim at nagpalinga-linga. Wala akong makita sa dilim kundi ang nasa unahan dahil sa nakabukas na ilaw ng sasakyan ko.





“Chaos, I think I’m lost.” Panimula ko.



[Lost?! Aion you’re twenty-three, how can you be lost?]




Napahilamos ako ng mukha. “Paulit-ulit nalang ang nadadaanan ko.”





[Baka naman na-engkanto ka na? ‘Yan kasi dumaan pa sa shortcut.]





“Hindi ako naniniwala sa engkanto, white lady, multo, o kung ano pa ‘yang mga gawa-gawa na ‘yan. Ang sa akin lang, nawawala ako at kailangan ko ng tulong mo para makaalis na ako dito at makapunta diyan.” Nagpaikot ako ng mata. Nakakainis na.





[Pero, Aion.. nagkamali ka ng dinaanan. Sabi kasi, ‘yang shortcut na ‘yan ang may mga nakatirang hindi ordinaryong tao.]





“Hindi ordinaryo? Haha! Chaos, tama na ang pagpapatawa. Sige na, bye.”
Ibababa ko na sana nang magsalita siyang muli.





[Aion lahat ng dumadaan sa shortcut na ‘yan ay hindi na nakalabas pang muli…]





Biglang namatay ang tawag. Kinilabutan ako at tinignan ang phone kong wala nang signal. Dali-dali akong nag-drive. Habang tumatagal, kinakabahan ako dahil paulit-ulit ang nadadaanan ko. Idagdag pa ang creepiness nitong lugar.




Hindi.



Baka talagang ganito ‘tong lugar na ‘to. Baka kaya paulit-ulit lang ang nadadaanan ko kuno kasi pare-parehas lang naman ang mga puno dito.



Tinatakot ko lang ang sarili ko. Tama, tama.



Binilisan ko nalang ang pagpapatakbo at hindi na ininda ang mga sinabi ni Chaos. Ghost and such, they’re nonsense. Gawa-gawa lang ng mga matatanda panakot sa mga bata ang mga iyon. And hello, we’re on the twenty-first century. Laos na ang mga ‘yan.




Maya-maya, napapreno ako ng malakas nang muntik ko nang mabangga ang isang aso sa gitna ng daan. Napamura ako at kung hindi ako naka-preno ng malakas, malamang nasagasaan ko na ang asong ‘to.




Kinuha ko muli ang phone ko at tinignan kung may signal na. Nainis ako nang wala pa rin at binato ang phone ko sa likod.




Sa sobrang bilis ng patakbo ko, parang nagbu-blur na ang paligid na nakikita ko. Alam kong delikadong mag-drive ng mabilis kapag umuulan pero wala na akong pakialam. I’m thirty minutes late!





Madulas ang daan na nakapagpadagdag ng bilis ng patakbo ko.




Mula sa malayo, may nakikita akong puting ilaw. Papalapit ito ng papalapit..



Sana pala naging mabagal nalang ang pagpapatakbo ko..




Sana pala hindi na ako dumaan dito at tumawag nalang ng kung sino para matulungan akong makadaan sa may harang na puno ng niyog.




Sana pala nakinig ako kay Chaos.
Pero alam kong huli na ang lahat…




Katapusan ko na.





Nang makita ko na malapitan ang ilaw, nakita kong sa kotse pala ito ng nasa harap ko at magkasalungat kami ng daan. One way lang itong shortcut at masikip pa. Magbabanggaan pa rin kami kahit pumreno ako. Sobrang bilis niyang magpatakbo at panay ang pagbusina niya.




Ngayon ko lang rin nakita ang nasa likod niyang humahabol. Mga tao sila pero parang may mali. May dala silang pulo at mukha silang hindi isang normal na tao.



Muli kong naalala ang sinabi ni Chaos kanina..



Sabi kasi, ‘yang shortcut na ‘yan ang may mga nakatirang hindi ordinaryong tao…



Pakiramdam ko’y tumigil ang mundo. Ang mga taong humahabol sa lalaki ay walang mga mata.



Huli na ang lahat..


Ramdam ko ang lakas ng impak ng pagbangga ng sasakyan ng lalaki sa sasakyan ko. Magkaharapan ang sasakyan namin at nagkaroon ng malakas na ingay ang pagbangga.



Dumilim ang paningin ko…



***








Lost (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon