Aion's POV
Hawak ng isa ang kamay ko at tinatanggalan ako ng kuko. Sobrang sakit. Napakasakit. Umalingawngaw ang palahaw ko at ang iyak ko. Ganun din ang reaksyon ni Praion habang nakatingin sa akin. Awang-awa siya sa akin. Nasa akin lahat ng atensyon ng corpse at pagkatapos sa akin, kay Praion naman.
"Tama na!!!" Sigaw ko nang tanggalin nila ang kuko ko sa hinlalaki. Umagos ang dugo at laman. Sinipsip pa nila ang daliri ko habang kinakagat ito kaya napapaigtad ako sa sobrang sakit.
Pinukpok din nila ng matigas na kahoy ang isang tuhod ko kaya sumigaw na naman ako. Narinig ko ang pag-crack ng buto ko sa tuhod na naging dahilan nang pagkamanhid ko.
Kanya-kanya silang may ginagawa sa akin. Ang iba ang nanonood lang. Ang isa naman ay hawak ang buhok ko at sinasabunutan ako hanggang sa matanggal ang buhok ko at anit ko. Umagos ang madaming dugo sa ulo ko at napunta na sa mukha ko. Sobrang sakit nang nararamdaman ko.
Pinutol pa nila ang hintuturo at ang gitna kong daliri. Nauubusan na ako ng dugo. Sa sobrang sakit, wala na akong maramdaman. Hinihiling ko na sana mamatay nalang ako. Ayoko nang makaranas ng sakit.
Sumisigaw si Praion at nagmamakaawang itigil na ang ginagawa sa akin. Bago ko ipikit ang mata ko sa sobrang panghihina, nagawa ko siyang ngitian. I uttered 'thank you' to him without any sounds. Salamat sa ilang oras na magkasama kami, sa mga oras na hindi ako natakot dahil kasama ko siya. Salamat sa lahat lahat.
"Hindi Aion! Tatakas pa tayo dito. 'Wag mo muna akong iwan, please.."
Nang dahil sa sinabi niya, pinilit kong 'wag pumikit at matulog. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang panay ang pangtotorture sa akin ng mga corpse. Natanggalan na nila ako ng kuko sa dalawa kong paa at tinitiis ko nalang ang sakit sa bawat pagkagat ng labi ko at ang pagtingin ko kay Praion habang lumuhuha. Nagdudugo na rin ang labi ko sa ginagawa kong pagkagat pero binalewala ko lang.

BINABASA MO ANG
Lost (Short Story)
Short StoryWhat will happen if you're lost with some not ordinary people?