Corpse

21 0 0
                                    




Sa pagdilat ng mata ko, ramdam ko na agad ang sakit at hapdi ng buong katawan ko. Hindi muna ako gumalaw at pinakiramdaman ang sarili. Ginalaw ko ang ulo ko at nakitang nasa loob pa rin ako ng kotse at basag na ang windshield.





May nakasaksak sa tyan ko maliit na salamin na galing doon sa windshield kaya napangiwi ako. Nagdudugo ang ulo ko at hirap pa akong makadilat ng maayos. Manhid ang buo kong katawan.





Suminghap ako para makalanghap ng hangin. Umuusok ang kotse kaya naalarma ako.





Kahit hindi ako makagalaw, pinilit kong tanggalin ang nakasaksak sa tyan ko at napasigaw sa sakit. Hindi ko na ininda pa at agad na tinanggal ang seatbelt ko sabay kuha ng phone kong naihagis ko kanina. Hilong-hilo pa ako at nalulula pa.





Wasak ang pinto ng sasakyan ko at wala na akong nagawa kundi sipain ito para makalabas ako bago pa sumabog ang kotse. Kumirot ang braso ko kaya napatingin ako doon.





May isa pa palang nakasaksak na basag na salamin sa braso ko. Agad ko itong tinanggal at kasabay ng pagtalon ko sa kotse ang siyang pagsabog naman nito.





Malakas ang ingay at napayuko ako sabay takbo upang hindi malaglagan ng kung ano. Takip-takip ko ang tainga ko habang umiiyak. Nanginginig ako sa takot at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nang malamang hawak ko ang phone ko, agad ko iyong binuksan.





Lalo pa akong napaiyak nang wala pa ring signal.





Kahit hinang-hina pa, pinilit kong tumayo habang hawak ang tyan kong may saksak. Iika-ika akong naglakad patungo sa hindi ko alam na lugar. Natatakot pa rin akong makita ang mga taong may dalang pulo at walang mata kanina na humahabol sa lalaki.





Nadaanan ko ang sumabog na kotse kanina kaya sumilip ako kung nandoon pa ang lalaki sa kotse niya pero wala akong nakita kungdi ang wasak nitong sasakyan. Nanlumo ako at ipagpapatuloy na sana ang paglalakad nang makarinig ako ng martsa.

Lost (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon