Chris Pov.
bato dito, bato doon, bihus ko na lahat ng galit at selos ko, ewan ko ba kahit ayaw kong sumbatan si nick nang ganun, nagawa ko dahil sa rex nayan ewan ko ba! iba kasi pakiramdam ko sa lalaking yun, sila nung jerico na yun, iba eh!, alam niyo yun bilang isang lalaki alam mong sa mga titig at ngiti palang nila alam ko ng may gusto sila kay nickz, si jerico kaya ko pa siyang palayuin kay nickz pero si rex ewan ko nalang, mahirap ko siyang bigla na lang palayuin dahil gaya nga ng sabi ko kababata yun ni nicole.
gusto ko sanang tawagan ulit si nicole para magsorry pero na pagisip-isip ko, baka dahil sa inasta ko kanina layuan niya si rex.
______________________________________
Nicole Pov.
May Lunes ngayon kaya may pasok nandito nako sa classroom kasama ko si trixie, at yung apat na ugok naikwento ko rin sa kanila yung inasta ni chris nung nagusap kami.
"alam mo nicole, matindi talaga galit ni chris kay rex, nakikita palang niya umiinit na ulo niya, yung pa kayang makita niyang magkasama kayo"sabi ni fox
"pansin ko rin yun iba yung galit niya kay chris" pagsasang-ayon naman ni prince
"eh! bakit,? sa anong dahilan? eh kaibigan ko lang naman siya " sabi ko
nagkibit balikat naman sila
bumuntong hininga nalang ako
nagsimula na ang klase at discuss... discuss.. break time... balik sa klase.. dicuss ulet,,, lunch..... discuss... discuss.. and ring uwian na...
agad agad akong lumabas at nagpaalam na sa kanila, di pa daw sila uuwi dahil may gagawin pa daw sila kaya naman nauna nako at pumara nako ng jeep
naka dating nako sa bahay at agad kong kinuha ang cp ko pero ni isang text o tawag mula kay chris wala akong natanggap , kaya medyo naka ramdam ako ng lungkot, bale one week mawawala si chris sa sunday pa siya babalik at nagexcuse nalang siya sa adviser namin kahit na kanila naman yung school, kakausapin ko sana siya pero di naman nagtetext o tumatawag, pagtinatawagan ko di namn sumasagot.
wala kahit anong pumasok sa isip ko ngayon sa mga diniscus ng mga teacher , dahil kay chris
naisipan kong magfacebook nalang
pagkalog-in ko agad na larawan ni chris at isang matangkad ,maputi na babaeng americana, ang bumungad sa newsfeed ko
agad naman akong nakaramdam ng selos dahil naka hawak pa si chris sa bewang ng babae.
kaya naman diko maiwasan ikompara ang aking sarili sa babaeng iyon, kung siya katangkad niya si chris, at matangos ang ilong, maputi, sexy at kumpara sakin na hanggang balikat lang ako ni chris, di masyadong matangos ang ilong, at kayumanggi ang kulay ng balat ko
kung iba lang sana ako patitignan ko sila para silang magjowa, dahil bagay na bagay sila at mukhang mayaman pa ang babae
dahil nga sa paiyak nako agad kong binack at napapaisip na kaya siguro di niya ko naalalang itext o tinawagan dahil sa babaeng yun
agad naman akong nagtxt sa kanya.
To:babe
anong ginagawa mo? ! bakit ni isang text o tawag wala man lang akong na tanggap mula sayo! ganun ka naba ka busy jan ! ah! bka busy ka sa pagentertain sa babaeng americana nayan kaya dika man lang nakapagtext o tumawag! chris sabihin mo lang! handa naman akong hiwalayan ka! kung di mo nako kailangan! mukhang dimo nako naaalala! sige ingat ka jan!Mesaage sent√
pagsend ko nun agad ko naman inoff yun cp ko para di niya ko makontak at sinadya ko ring wag magonline.
_______________________________________
Chris POV.
kadadating lang namin galing sa party ng business partner ni papa
agad akong pumunta sa kwarto ko at nagpinalitan ang tuxedo ko, nag short at whitw sando lang ako
at agad naman akong sumalampak sa kama ko , kinuha ko yung cp ko para itext sana si nicole
pero pagkaopen ko ng cellphone ko may mensahe galing kay nicole
From:babe
anong ginagawa mo? ! bakit ni isang text o tawag wala man lang akong na tanggap mula sayo! ganun ka naba ka busy jan ! ah! bka busy ka sa pagentertain sa babaeng americana nayan kaya dika man lang nakapagtext o tumawag! chris sabihin mo lang! handa naman akong hiwalayan ka! kung di mo nako kailangan! mukhang dimo nako naaalala! sige ingat ka jan!nabigla ako ng mabasa ko ang message niya kaya naman agad ko siya tinawagan pero na off yung phone niya
naka ilang tawag nako pero naka off parin
agad akong bumaba at pinuntahaan sila mama para aabihing uuwi ako ng pilipinas ngayon din
"ma, uuwi ako sa pilipinas nangayon!" agad kong sabi kay mama natataranta na kasi ako diko na alam kung anong gagawin ko paghiniwalayan ako ni nick
"anak pwede bang umupo ka! bakit ba natataranta ka may nangyari ba? bakit agad agad kang uuwi ?" sunod sunod na tanong ni mama
"ma! nakikipaghiwalay po si nicole , kaya ngayon din uuwi nako sa pilipinas, natapos ko na naman lahat ng pinagawa niyo diba "
"bakit? bakit siya nakikipaghiwalay sayo? may nagawa ka bang di niya ginusto? "
pinaliwanag ko naman kay mama kung bakit nakikipaghiwalay si nicole
"anak papayagan kitang umuwi pero di ngayon bukas na, gabi na oh "
"ma!" pagmamakaawa ko
"chris sa ayaw at sa gusto mo, bukas ka na uuwi"
wala nakong nagawa at bumuntong hininga nalang ajo para kalmahin ang sarili ko
"hayaan mo kakausapin ko si nick paghiniwalayan ka niya " pagpapakalma ni mama sakin .
BINABASA MO ANG
Mr. Montereal and Ms. Perez
RomanceSa isang Relasyon Talagang Madaming Problema. So Basahin Natin Tong Story Na To Para Subaybayan Natin Ang Isang Babaeng Nag Ngangalang Nicole perez Na Nagmahal ng sobra kay Mr. Chris Montereal na Naging Firstboyfriend at First niya Sa Lahat Ng Baga...