Nicole Pov.
at dahil nga sa pinagselos ako ni chris o sabihin kong pinagtripan niya ko ngayon its my turn ako naman ang mantri-trip sa mahal kong boyfriend
nandito ako ngayon sa bahay nila chris at dito nanaman ako natutulog
nagpunta sa opisina si chris kaya naman pupunta din ako para pagselosin siya, agad naman akong nagbihis at pumunta sa company niya
pagkapasok ko binati ko naman yung guard at nagpatuloy ako sa pagakyat patungo sa opisina nila pero imbis na kay chris ako pumunta sinadya kong kay drake ako dumeretso at humalik ako sa pisngi niya at alam kong nabigla siya at nakita ko naman si chris nalumabas mula sa opisina niya na naka simangot
agad naman akong lumapit sa kanya
"hellow sir" bati ko ng naka ngiti pero naka simangot parin siya at di nagsalita
aalis na sana ako sa harapan niya
"Go to my office" sabi niya ng pagalit
kaya naman pumunta ako sa opisina niya at umupo ako sa harapan niya at naka simangot padin siya
" Ano yun!" pagalit niyang tnong
"ha! Anong ano yun?" pagmamaang-maangan ko
"yung paghalik mo kay drake!"
"binati ko lang siya, friendly kiss"
"ah! ganun na pala ngayon" sabi niya at agad na tumayo at mukang aalis
"so! san ka pupunta ngayon!" pagtataray ko
"babati ng mga babae para maikiss ko din" sabi niya at patuloy sa paglalakad
"Subukan mo lang humalik ng ibang babae, bumalik ka dito!" pagbabanta ko
pero di siya natinag at tuloy-tuloy parin siya sa paglalakad
"Bahala ka! Pagbalik mo wala nako " pasigaw kong sabi dahil naka layo na siya pero di niya ko pinakinggan at agad agad na lumabas kaya naman bibigyan ko siya ng leksyon
agad naman akong umuwi at inimpake lahat ng gamit ko, at pinunta sa kwarto ni manang sa iba-iba sa medyo likod alam kong di pumupunta si chris don at nag stay naman ako dun at dun ko balak matulog
binilin ko kay manang na sabihing lumayas ako
________________________________
Author Pov.
at ng hapon na dumating na si chris at agad na dumeretso sa kwarto nila ni nicole upang kausapin ang nobya nito pero nabigla siya ng makita niya ang mga cabinet na nakabukas at wala na ang mga gamit ni nicole kaya agad namang bumaba ito at nagtanong sa katulong nila
"manang si nicole?" agad na tanong niya
"lumayas ng bahay anak dala lahat ng gamit niya at ng tanungin ko kung bakit sinabi niyang may iba ka na daw" sabi ng matanda
agad namang naka ramdam ng kaba si chris at tinawagan niya si nicole pero ring lang ito ng ring at sa ikalawang tawag can not be reach na ito kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at naiiyak na ito
nagwala si chris ng nagwala hanggang sa narinig ng kanyang ina ang kanyang pinaggagawa
"What is happening here?!"pagalit na tanong ng ina niya
"ma!....S-si nicole N-nilayasan niya ko" sabi niya ng humihikbi
"ha?.... Sa anong dahilan?" tanong nito
"ewan ko ma... Ewan ko" sagot nito at panay parin ang iyak niya
"hayaan mo at ipapahanap ko siya" sabi ng kanyang ina at niyakap niya ito
narinig naman ni nicole ang sinabi ni mama ni chris kaya agad-agad naman niyang inopen ang cellphone niya para sabihin ang plano niya dahil ayaw niya paggastahan pa ng pera ni mama ni chris ang pagpapahanap sa kanya eh nasa loob lang naman siya ng bahay ng mga montereal
tinext nga ni nicole ang mama ni chris at pagkatapos nitong pakalmahin si chris at pinaakyat sa loob ng kwarto neto ay agad na punta ang ina ni chris kung nasaan si nicole
"anak.... ano nanaman to" maalumanay na tanong ng ina ni chris
at kwenento naman ni nicole ang pantri-trip sa kanya ni chris at ang pantri-trip niya kay chris
"hay nako! ayusin niyo yan bukas na bukas " sabi nito
"sige ma, lalabas na po ko bukas "
BINABASA MO ANG
Mr. Montereal and Ms. Perez
RomanceSa isang Relasyon Talagang Madaming Problema. So Basahin Natin Tong Story Na To Para Subaybayan Natin Ang Isang Babaeng Nag Ngangalang Nicole perez Na Nagmahal ng sobra kay Mr. Chris Montereal na Naging Firstboyfriend at First niya Sa Lahat Ng Baga...