Dito lang ako sa tabi mo~
"Mwo!?" lumayo ako sa kanya.Naeewan ako sa kanya eh.Napatayo rin ako ng lakasan nya yung pagpisil nya sa balikat ko.
"Uy! babawe nga ako sayo diba? mamasahiin ko yang balikat mo para di sumakit!" napasigaw sya kasi napatayo nga ako.
"Lu-lumayo ka na nga!" sigaw ko,pero lapit parin sya ng lapit.Medyo bumilis na ang galaw ko.Hinahabol na nya kasi ako eh.
"Halika rito~ Mamasahiin kita!" tapos sabay takbo nya papalapit sakin,natakot naman ako at tumakbo papalayo naman sa kanya.
"Yaaah! tigilan mo na nga ako!" ngayon ay para kaming mga batang naghahabulan.Pero ayoko na talaga,natatakot na kasi ako sa kanya eh.
"Uy!" napasigaw sya ng pumasok ako sa CR at ni-lock ko.Hinihingal tuloy ako.Habang sya ay patuloy parin sa pagkatok sa pinto pero yung mahina lang.
Humarap muna ako sa salamin at naghilamos ng mukha.Hindi parin bumabalik sa normal yung heartbeat ko.Unti-unting nahirapan ako sa paghinga.Pinagpapawisan na ako ng malamig.Binuksan ko yung pinto.
"T-tao~ hindi ako makahinga ng maayos." paliwanag ko sabay kapit sa braso nya.Nakita ko yung pagkagulat ng mata nya.
"Ang lamig ng kamay mo't namumutla ka." Nag-aalala nyang sinabi at nilagay yung kamay nya sa noo ko para alamin kung may laganat ako o wala.Binuhat nya ako,yung pangkasal na buhat.Nilapit nya rin yung bibig nya sa tenga ko.
"Wala kang lagnat,sabihin mo anong masakit sayo?" tapos hiniga nya ako sa kama.Pero umupo lang ako.
"Tu-tubig~ Tao, tubig." sabi ko.Hinihika na naman ako.Aigoo~ si Tao kasi eh.Kumaripas lang sya ng takbo tas iniabot na nya sakin yung tubig.
"Oh~ okay ka lang ba? Nag-aalala nako sayo." tapos hinawakan nya kamay ko.Ramdam ko yung init ng kamay nya.Ang sarap~
Pero tama nang ilusyon,kung ano ano na naiisip ko eh,tumayo nako at naglakad papunta sa bag ko.
"Saan ka naman pupunta?" rinig kong sabi nya tapos naglakad sya papalapit sakin,hinawakan nya yung braso ko at inalalayan akong maglakad.
"Kukunin ko yung gamot ko sa asthma sa bag." sagot ko at naghalukay na sa bag.
"Hinihika ka?! magpahinga ka kasi,puro ka trabaho eh." sermon nya sakin.Nag-take na ko ng gamot.Tapos hinarap ko sya.
"Okay nako ngayon,matulog kana dyan para bukas makaalis ka na." sabi ko,seryoso yung mukha ko ngayon.Pero naiilang ako kasi ang lapit ng mukha nya sakin pati na rin yung katawan nya.At hanggang ngayon ay nakahawak parin sya sa braso ko.Ramdam ko yung init ng kamay nya.Napakagat nalang ako sa labi.
"Opo matutulog na,magagalit ka na naman eh." Tapos binitiwan na nya ako at ngumiti sya.Naglakad sya papalayo,at nahiga na sa hihigaanan nya.
Hindi nako nagsalita pa at tiningnan ko lang sya.
"Good Night~ pag may kailangan ka andito lang ako." tapos biglaa syang nagtaklob ng kumot nya.Natawa naman ako ng bahagya sa kanya.
Hay,seryoso na talaga ako.Tatapusin ko na nga yung ginagawa ko.Pumunta na ako sa study table para gawin yung trabaho ko.
.
..
...
....
.....
Matatapos ko na unti nalang.Naghikab muna ako.
Gabi na rin kase eh.
Nagulat ako ng makarinig ako ng sigaw.
"Yaaaaah!" nilingon ko kung saan nanggaling yun.
Kay Taozi lang pala.Nilapitan ko sya.
"Bakit Tao? may problema ba?" bigla syang bumangon sa pagkakahiga at niyakap nya ako.Medyo nanginginig pa sya.
"Dito ka lang,kase natatakot akong mawala ka." Nagsimula pa syang humagulgul.Teka,naka pikit sya,baka naalimpungatan lang.Nagsmile lang ako.
"Dito lang ako.Promise~" sagot ko sa kanya.Sweet pala sya pagtulog.
Mamaya ko na nga tatapusin yung ginagawa ko pagtulog nato.
"Huwag ka ng umiyak.Sige ka,madadagdagan eye bags mo." pananakot ko sa kanya.
"Hindi napo ako iiyak.Basta dito ka lang ah." tapos lalong humigpit yung yakap nya.Kakaiba yung feeling.Ngumiti na sya ngayon.
medyo kinikilig ako sa kanya.♥
tss.
BINABASA MO ANG
Panda Everywhere (Tao Fanfic) ON-HOLD
FanfictionBakit ba ang CUTE ng PANDA? Specially... PANDATAO♥