4♥Visitor.

119 3 0
                                    

Binuksan ko ang gate ng bahay ko.Huminga ako ng malalim,ang sarap sa pakiramdam na nakabalik na ako sa lugar ko.Pero mamimiss ko rin naman yung Hotel na tinuluyan ko kahapon.Sinusian ko na yung pinto at pumasok na sa loob,umupo muna ako sa sofa para makapagpahinga at mamaya-maya ay aalis na naman ako para pumasok sa trabaho.Ilang minuto ang lumipas at inayos ko na ang sarili ko para makapasok na.Dahil nga malamig ang panahon ngayon dito hindi ako pwedeng magsuot lang ng t-shirt at pantalon,kailangan ay may sweater na suot. Dinala ko na yung bag ko na ang laman ay yung laptop,phone ko,wallet,at yung flash drive.Omo! nakalimutan kong isauli yung flash drive na panda ni manager.Hay~ mamaya ko na yan poproblemahin.Nag-abang na ako sa bus station.Nakasakay naman agad ako.Napahawak ako sa pisngi ko,ang lamig talaga kasi eh,hindi ko na nga maramdamang may dala pala akong bag.Pagkababa ko ay pumasok na agad ako sa building na pinagtatrabahuan ko.Binati ako nung Guard na nasa labas.

“Good Morning Ma’am.Gusto nyo po ng Coffee?” tanong nya.

“Maya nalang po siguro.Andyan na ba si Sir?” napahawak ako sa pisngi ko ulit.

“Kanina pa nga po kayo inaantay eh.” Hindi nako nakipag-usap pa at umakyat nako sa second floor,hanggang thir floor lang naman ito.At andun yung table ko sa second floor.

Pagkaakyat na pagkaakyat ko palang eh may tumawag na agad sa pangalan ko.

“Andito na si Blaize!” sabi nung kaibigan kong katrabaho ko rin.Sya si Yuan,hyper active at mabilis sa lahat ng gawain.

“Oh~ bakit?” tanong ko.

“Tingnan mo yung TV.Ayan yung inaantay naming topic kanina pa eh.” Tumingin ako.Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung sarili pati si Tao.

“Sino nga ba ang babaeng kasama ng Kpop Star na si Huang Zitao?” Reporter one.

“Ayon sa Manager nila,ang babaeng kasama ni Tao ay isa sa mga assistant nila,isa rin itong make-up artist.At wala naman daw namamagitan sa kanilang dalawa.” Reporter two.

“Ha?!Sino ba yon  Blaize?” tanong ni Yuan.Nako,kailangan ko mag-isip ng palusot.

“Ah~ gaya nga ng sabi ng reporter make-up artist ako ni Tao.” Paliwanag ko,siguro naman ay wala na silang sasabihin dyan sa issue na yan.

“Hindi tungkol sayo! Sino sya? Si Tao? Ang gwapo nya~” sabay kapit sa braso ko.Tss,lagi syang ganyan pagmaynakita syang  gwapo.Pero pasensya sya,wala syang malalaman na kahit anong info kay Taozi.

“Tanungin mo yung TV,marami yung alam sa kanya.” Sabay lakad at iniwan ko sya sa kinatatayuaan nya.nilabas ko yung laptop ko sa bag pati yung flash drive para maisend ko na kay Sir yung mga naiscan na papeles.

“Nasaan si Miss Lee?” pamilyar yung boses sa akin na agad ko namang nilingon.

“Yes,Sir Kim?” tanong ko.Baka pagalitan ako nito.

“Asan na?” diretsong tanong nya.

“Nasa Flash drive pa po Sir pero ise-send ko po sa in—” bigla syang nagsalita ulit.

“No need,give me the Flash drive and follow me to my office.” Pagkasabi nya noon ay tumalikod na sya.Agad naman akong sumunod dala ang Flash drive ko.Siguro iniisip nyong strikto si Sir Kim pero mabait yan,actually sa dating lang ng pananalita nya sya nakakatakot.Sya ang kauna-unahang tumanggap sa akin sa lahat ng inaplayan ko.Naaalala ko pa yung sinabi nya sa akin.

*FLASHBACK*

“Miss Lee,ikaw ang kailangan kong secretary.Gusto ko masipag ah at dapat maging magkasundo tayo.” Magkasundo? Anong ibig nyang sabihin? Lagi ba nyang kaaway yung dati nyang Secretary? Hmmm. Kahinahinala.

Panda Everywhere (Tao Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon