6♥Lip Balm

81 4 2
                                    

Sya ang magiging First Kiss ko.Hindi ako makakilos.Pinagpapawisan din yung palad ko.

Heto Na!

Ilang saglit nalang!

Teka,ang tagal naman.

1.                                         

2..

3…

4….

5…..

Lumipas ang limang segundo pero wala akong naramdamang dumampi sa mga labi ko.Dinilat ko ang isa kong mata para tingnan sya.Nakangiti sya ng nakakapangloko.Hwaa?! anong trip ba ang trip nya ngayon?!

“Bakit ka nakapikit? Tapos nakanguso ka pa.” halatang pigil yung tawa nya.Tss.

Ramdam ko yung pag-init ng mga pisngi ko.Nahihiya tuloy ako sa kanya.Uggh! akala ko ano kasi eh.Yumuko nalang ako.

“Ano ba kasing gagawin mo?” tanong ko.Pulang pula na tuloy yung mukha ko at medyo natatawa rin sa ginawa ko.Lumapit sya ulit sa akin at nilapit yung labi nya sa labi ko.

“Hmm~” napapikit pa sya kung ano man yung ginawa nya.

“Ang bango kasi nung lip balm.Lalo na pag sa labi mo.Lalong tumamis tuloy yung scent.” Tapos lumayo sya ulit.Mwo?! inamoy nya lang yung lipbalm sa labi ko?! Anong trip yun?

Kinabahan ako sa kanya.Pero mas masaya siguro kung tinuloy nya yun.Agh! Ang sarap siguro ng lips nya~

Waaaah! Ang laswa ko! Anong nangyayare sakin?!

“Ahh~ Ano bang tatak nyan?” tanong ko para maiba yung topic namin.

“Sa Nature Republic.Ang cute din kasi nung design.Oh~ sayo na ‘to.” Sabay hinawakan nya yung kamay ko at nilagay nya yung bilog na lalagyanan ng lip balm.Napasmile lang ako.

“Salamat.” Pagkasabi non ay tumayo na sya.

“Sige na,uuwi na ako.Kapag wala kang maisip na pupuntahan ngayong linggong ‘to,tawagan mo lang ako.Magsa-suggest agad ako.At yung dala kong malaking paper bag kanina na nandun sa kwarto mo,para sayo yun.Ge~” tapos tumualikod na sya at naglakad pa papuntang pintuan para umalis na.Wala na akong kasama~ Teka,Yung paper bag na malaki? Para sa akin? Hmm. Kinuha ko yung tissue na nasa gilid nung kinainan namain at pinunasan ko yung kamay ko.Tapos ay nagtungo agad sa kwarto ko,nakita ko yung paper bag na light pink na nakalagay sa kama ko.Lumapit ako para buksan iyon.May letter sa labas non.

LETTER:

Blaize~

Sorry kung nagkaroon ng gulo dun sa hotel ah.Sorry talaga.

PandaTao ^^

Sorry gift? Aju~ may paganyan ganyan pa sya.Binuksan ko iyon,isang malaking Panda na may hawak na rose at may nakalagay pang tag dun sa rose pero imbis na price ang nakalagay,

I Love You ang nakasulat.

Sulat kamay nya.

Inamoy ko yung stuff toy.

Amoy Tao! Shems!

Teka,ano bang nangyayare sakin talaga? Hindi naman ako ganon dati.Argh!

Napayakap ako sa stuff toy na yun.May naalala tuloy ako.

♥♥♥

AUTHOR'S NOTE:

@ingrid_1209348756 - Sorry kung maikli lang at sorry kung di natuloy yung kiss nila XD pero malapit na yun! antayin mo lang,pramis ♥ Hope you liked it~

VOTE AND COMMENT PO~

Importante yun para malaman ko mga gusto nyo ♥

LoveLot's♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panda Everywhere (Tao Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon