5♥Stir Fried Noodles

126 8 3
                                    

“Andito nako!” sigaw ko pagpasok ko sa bahay.

Wala si Tao sa sala? Asan na kaya sya?

“Taozi! Asaan ka?” tanong ko ng pasigaw para marinig nya.

“Andito ako sa kusina! Wala ka ba ditong kahit na anong maiinom? Bukod sa malamig na tubig?” tanong nya.Aba’t nagreklamo pa sa akin na walang maiinom.Pinuntahan ko sya sa kusina tutal andun narin naman ang dining area.

“Dalawa lang naman kasi kami ni mama nakatira dito.At ngayon nasa probinsya pa sya kaya onti lang ang stuck ko dito ng pagkain at kung ano-ano pa man.Eh,sa labas na ako kumakain kasi gabi narin ako na kakauwi diba? Kaya ganon.” Paliwanag ko.Binuksan nya yung fridge na may hawak na pitchel na babasagin na may tubig.

“Eh oo nga pala,Bakit di ka pa pumapasok ah? Sige ka male-late ka nyan.” Nilagay nya yung hawak nyang pitchel sa dining table at umupo na.

“Ah yun ba? Binigyan ako ni Sir Kim ng leave.Para daw makapagpahinga ako.At nirequest din kasi ng kaibigan ko yun sa boss namin kaya ayun! One week na walang stress.” Napangiti pa ako habang nakapikit ako,Feel na feel ko eh.

“Ah~ kaya pala.Oh! ano nabili mong pagkain natin?” tanong nya at sabay ngumiti na nakakaloko.Itinaas ko yung plastic ng binili ko.

“Ta-da! Stir fried noodles! Ang paborito ko.Buti nga at nakakita ako nito eh,matagal na kasi akong di nakakakain nito kaya masaya ako.” Tapos nilabas ko na sa plastic yun at binigay yung para sa kanya tsaka nilabas ko yung para sakin.Tiningnan ko sya.

Nakapikit sya habang inaamoy yung noodles.

“Ang Bango! Mukhang masarap din.” Pagkasabi nya non ay kinuha nya yung chopsticks at pinagdikit nya yung kamay nya.

“Thank you Lord.” Dasal nya tapos pinaghiwalay na nya yung chopsticks at nagsimulang kumain.

“Masarap ba?” tanong ko.Mukhang magana talaga syang kumain.

“Oo naman! Xie xie~” tapos nagsmile sya ng pacute habang may sauce pa yung gilid ng bibig nya.Cute~ nagsimula narin akong kumain.

Waah! Ang sarap talaga,yung sweet and chili na flavor nya ang nangingibabaw tapos yung noodles nya malambot parin at lalo rin itong pinasasarap ng mainit-init nitong siomai na kasama.Isawsaw mo pa yung siomai sa sauce nitong nakakapagpataas balahibo at nakakapagpapawis ng sobra dahil sa anghang.Ah~ ang sarap talaga.

Nakakalahati palang ako ng tingnan ko si Taozi eh tapos na nyang kainin yung sa kanya.At umiinom na sya ngayon ng tubig.

“Tapos ka na?” tanong ko.

“Oo ang sarap eh.Blaize~ pwede sakin nalang yung isang siomai mo? Sige na~” tapos nagpacute pa sya.Aah! I can’t! ang cute ni Tao.Tss.

“Kunin mo na.” sabi ko pero sya parang ewan nakanganga.

“Ahh~” tapos tinuturo nya yung bibig nya.Ano to?! Isusubo ko sa kanya? Tss.Tamad talaga.Bago ko ipakain sa kanya yung siomai ay sinawsaw ko muna sa tadtad ng siling parte ng sauce.Ha! tingnan natin kung uubra ka.Ngumisi lang ako.At pagkalagay na pagkalagay ko sa bibig nya eh napatayo na sya pero kinain nya padin yung siomai habang nagtatalon sya dahil sa anghang.

Panda Everywhere (Tao Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon