eighteen

679 21 2
                                    

VIC/ARA

"dennise please"

"hindi!"

sina kim at cyd natawa sa inaasta ko tapos ito si dennise hindi ako pinapansin. kanina ang sweet pa namin, we danced and had a morning breakfast tapos nandito kami ngayon sa labas, ako nakasilong lang sa puno may mga upuan din kasi dito, ang kambal, carol at mika naglalaro ng volleyball.

si kim nagpipigil ng tawa sa tabi ko habang katabi niya si cyd nakangiti sakin. si dennise, andito sa tabi ko. naiinis na ako, pano ba naman kasi si dennise eh!

"dennise naman.. kita mm--" paliwanag ko na sana pero tumayo ito tapos pumunta siya sa naglalaro.

ahhhhhh! naiinis ako sa sarili ko para akong teenager nito, di ako mapakali. eh sa tabing bahay naman kasi may nagbabakasyon din, magbabarkada din ata, may mga lalaking ulol tingin ng tingin dito samin.

di ba nila gets na walang interesado sa kanila? ughhhh. kung maka tingin kasi parang naglalaway sa sinusuot nila. bat naman kasi naka two piece yung iba? tapos si dennise kahit naka one piece, ang hot pa rin niya. ng nakita ko siya swear parang nakapako ang panga ko sa lupa kaya naiinis na si dennise sakin eh, kulit ako ng kulit sa kanya na mag short siya or mag bihis.

"wafs okay ka lang? hahahahahahaha" ayon natawa na si kim sakin. napabuntong hininga ako at tinignan si kim

"okay lang, di ko gusto mga tingin ng lalaki kasi. di lang kay dennise pati na rin sa iba" sabi ko sakanya.

"gusto mo ba mag jeans sila dito? tatadyakan ka ng mga yan. hahahahah" sagot ni kim sakin

"kapag lalapit yan dito, ako ang tatadyak sa kanila. ughhh!" sagot ko habang nakatingin sa tatlong lalaki nakatingin sa kanila ni dennise naglalaro.

napaupo naman si cyd tapos tinignan ako, pati na rin si kim.

"vic kalma ka lang, alam mo naman kung anong mangyayari kapag nagagalit ka sa mga lalaki na yan baka mabigla si dennise nyan" paalala sakin ni cyd. nag nod naman si kim kay cyd

i think i need to cool off, na stistress ako kakaisip  tapos si dennise di pa ako pinapansin. tama nga sila cyd at kim, i need to chill. alam kasi nila walang magandang mangyayari kapag nasa boiling point na ako, di naman sa mainitin yung ulo ko but when i felt someone violates someone's rights all hell will break loose talaga. na witness nila ito nung may bumastos kay mika nung college pa kami. after nun, alam na nila na i practice martial arts.

"maliligo muna ako sa beach" sabi ko sakanila habang pumunta na patungo sa tubig. may mga naliligo rin may pamilya at yung mga mag babarkada nagbabatohan ng beach ball.

may mga kapit bahay din yung rest house ko dito, mga rest house din yung iba, yung iba naman mga permanent house na nila.

naramdaman ko yung pag halik ng init ng araw sa balat ko kahit medyo hapon na, tinignan ko si dennise, masaya itong naglalaro kasama ang barkada. napangiti ako bago sinimulan mag freestyle.

biglang ng blanko yung utak ko sa pag galaw ng buong katawan ko, i could feel the water resist as i swim forward, breath here, breath out as i resurface, it felt good at the same time napapansin ko yung pag pagod ng katawan ko. i could sense the salty water in my skin habang napapikit lang ako dahil nakalimutan ko mag googles, i continued hanggang di ko napansin pag tama ng ulo ko sa isang bagay. shit nabagok ako. shit ang sakit.

i stopped and touch my eyebrow, chineck ko kung may dugo ba, akala ko nabagok ako sa mga maliliit na bangka ng nadinig ko may boses napukaw ang attention ko.

"shit... sorry are you okay? gosh im so sorry" nadinig ko yung boses ng isang babae pero napayuko parin at napapikit dahil masakit talaga yung ulo ko, ano ba tong katawan niya? gawa ba to ng bakal? ang sakit nun sobra.

love  like thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon