Chapter 1 : Break na sila ni crush!

611 26 40
                                    

Let me hear your voice friends :)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - -  - - - -- - - - - - - - - - -- - - - -

‘’Marsh!’’, isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Isusubo ko na sana yung pizzang kinakain ko, pero dahil sa sigaw ni Chloe, nawindang ang nananahimik kong mundo kaya muntik pa tuloy mahulog yung pizza. Tsk,tsk.

Yabag palang niya, alam na alam ko ng si Marsh yung sumisigaw.  Marsh ang tawagan naming ng bestfriend kong si Chloe, pinaikli yung marsh mallows which is our mutual favorite food. We’re marshmallow maniacs, by the way.

‘’Sabi na eh, nasa cafeteria ka lang’’, mukhang excited na excited ata ang tono ng boses ni Chloe, parang may naamoy akong chismis ah.”Agang aga naman marsh,kumakain ka’’, sabi nya with matching batok pa. Ganun talaga kaming magbatian ni marsh, ang handshake naming ay sakitan. This is natural for both of us.

‘’Goodmorning din, marsh.’’, bati ko sa kanya sabay ganti ng isang hampas sa braso, sweet na kami ng lagay na yan.

‘’Hindi pa nagsisimula ang klase lumalafang ka na agad’’, eh sa masarap kumain eh. Self-proclaimed food hunter ako, that’s it.

‘’Teka marsh, eh sa nagugutom na ang mga palamunin ko sa tyan’’, wala ka ng magagawa pa so back to business ako sa pagkain. Patay malisya  muna ako sandali ka’y marsh na ngayo’y titig na titig sa akin na para bang may bacteria syang nakikitang umaaligid sa mukha ko. Problema nun?

‘’Sige marsh, ieenjoy mo lang ang pagchibog, bahala ka, may chika pa naman sana ako sa’yo’’, sabi na eh isa lang ang pinagpuputok ng butsi nito; may chismis na naman syang baon. And I bet it’s something really unimportant.

Napailing na lang ako, suggesting na wala akong pakealam sa kung anumang kwentong barbero ang kanyang bitbit. Kahit tungkol kanino pa yun, wapakels ako. I’m eating, yah know?

“Sige, Dominique Ella Malone, wag mo akong pansinin bahala kang mahuli sa balita tungkol sa liniligawan mong si Warren!’’, did she just said Warren?

My jaw dropped, as in literally ,’’Bakit?Anong nagyari kay Warren?Nasagasaan ba sya ng truck? Nagkasakit? Nanalo sa lotto? Oh my chinito, magpapakasal na ba sya kay Annaliz?Ano Chloe, magsalita ka?! Magsalita ka?!’’, walang preno yung bibig ko sa pag-imik at wala akong pakealam kung pinagtitinginan na ako ng ibang studyante habang halos baldahin ko na ang katawan ni marsh sa pagkalog dito.

‘’Relax,Domz.Relax’’, tatawa tawang sabi ni Chloe. ‘’Oh, akala ko ba kakain ka?’’

Screw eating, pag si Warren ang pinag uusapan, nakakalimutan kong mahal na mahal ko pala ang pagkain.

Gale Warren Chang, he is my one and only loves pero dahil nakikiuso sya, ayun napasali tuloy ako sa 90% ng girl species na hindi crush ng crush nya. At gaya ng mga trending na apple of the eye na bida sa mga koreanovelang pinagpapantasyahan ng mga katribo ko, Warren is the ultimate guy. Gwapo, matangkad, gwapo, singkit, gwapo talaga, captain ng baseball team, gwapong gwapo kahit haggard na, boyfriend material at sadyang super gwapo talaga kahit saang angulo mo daanin. Kahit nga ata, yung gulat face nyan or epic fail na hitsura nya eh talagang gwapo pa rin. As in camera ready face talaga!

His 18-minute girlfriend (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon