DOMZ’ POV
Parang isang eksena sa teleserye ang mga pangyayari kanina. What’s more naging tila isa itong blockbuster na pelikula na sobrang pinilahan ng mga estudyante. Buti na lang saktong nagring ang school bell at parang isang apoy na rinespondehan ng fire truck na nagsi evaporate ang mga mirong walang magawa sa buhay. Kasamang nag disperse paalis sa akin ang mga molecules ng pinakamamahal kong si Warren. Ang fufu, naiwan akong parang tuod na estatwang nakatunganga sa space habang patuloy na nagplaplayback sa utak ko ang ginawang pagpabuhos ng tubig sa akin ni Warren, kasama pa sa alaang ito ang nakakabinging tawanan ng mga sawsawero’t sawsawerang extra sa aking storya.
‘’Oh eto Domz, magtsaa ka muna’’, mahinahong sabi ni Emily sabay ibinababa sa lamesa nila ang isang cup ng mainit na tsaa saka sya umupo sa tabi ko. Si Emily ay isa pa sa mga kaibigan ko sa school, andito kami ngayon ni marsh sa apartment nila kasi she suggested na doon muna kami magpalipas ng oras para magpatuyo ako, makapag ayos ng sarili at para na din makagawa kami ng report sa History. Pero naaamoy kong mas nangingibabaw yung pang iintriga thing nila sa akin kaya nila ako pilit isinama sa apartment. At para na din siguro makapag self reflect ako. As if namang may panahon ako para doon.
‘’Salamat nga pala marsh, tsaka Emily.’’
‘’Ikaw naman kasi Domz eh, bakit kasi tatanga tanga ka?’’, ouch naman, prangkahan lang talaga Chloe eh no? Bestfriend talaga kita.”Nawala lang ako ng kaunti kumaringking ka na naman.’’
‘’Sakit mo namang magsalita Chloe! Hay naku, Domz sabihin mo lang sa akin. Reresbakan ko talaga yang Warren na yan’’, with matching gigil sa unan pa si Emily. Nakakatuwa naman syang pagmasdan parang bata lang na inis na inis sa kalarong madaya. Pero…
“Don’t you dare lay a finger on my Warren. Subukan mo lang talaga Emily na gantihan si Warren, mananagot ka sa akin’’, nananaig pa rin talaga ang pagmamahal ko sa asungot na yun. Ahihi.
‘’BALIW KA NA TALAGA MARSH! After what he did to you? Mahal mo pa rin sya?’’
‘’Kahit ilampaso pa nya ako sa sahig. Kahit ipakain pa nya ako sa buwaya, itali sa rocket at ibala sa kanyon, habang nabubuhay ako. I pledge to love him until my last breathe.’’
‘’GAGI!’’, aray naman, hindi ako nasaktan sa sinabi ni marsh, nasaktan ako sa ginawa nyang pangbabatok. Ang bigat talaga ng kamay nya. Hay naku, kung hindi ko lang talaga labs ang kaibigan kong to malamang hindi na ako gumanti pa pero dahil best friends kami syempre kailangan kong sagutin ng isang pamamatok yung ginawa nya sa akin, para quits lang. That’s what friends are for.
‘’Hindi kaya gagi ang tawag dun Chloe, it’s called everlasting love.’’
‘’Ever lasting love ka dyan Emily. Wag mo namang konsentihin ang kaengotan ni Domz oh.’’
‘’Part ng pagmahal so true ang kaengotan’’,inaamin ko namang engot ako pag dating kay Warren.
‘’That’s bull Domz. Concerned lang talaga ako sa’yo at sa pwedeng mangyari sa’yo. Malay mo lalo ka pang pahirapan ng Warren nay an kung hindi ka titigil.Mahirap pumapel sa buhay ng isang tao lalo na’t ayaw ka nyang isama sa script ng buhay nya.’’
Wow lalim ah! I took a small sip of tea, kalma kalma lang ako,’’Eh di gawin nya. Pahirapan nya ako if he wants hindi pa rin ako titigil na mahalin sya.’’
Napakamot tuloy ng ulo si Chloe tapos biglang nag roll yung eyes nya. Napatingin na lang ako kay Emily na naka super big smile suggesting na susuportahan nya ako. Feeling candidate lang ako for electoral.
BINABASA MO ANG
His 18-minute girlfriend (ongoing)
RomanceSa kainisan ni Warren sa manliligaw nyang si Dominique (take note: babae po si Domz and note this, 89 times na syang binubusted ni Warren,according yan sa jot down ng bff nyang si Chloe) , nagbakasakali syang baka tantanan na rin sya nito kung oo na...