Chapter 3 : Warren's very brilliant plan

295 10 16
                                    

WARREN’s POV

Matagal ko ng gustong gawin yun – ang ipahiya yung babaeng patay na patay sa akin. And it felt good. What’s her name, again? Dora? Dorothy?Doreimon? As if I cared about her stupid name.  That ill-mannered, ugly girl na lagi na lang nakabuntot sa akin na para bang anino, I really hate her and her obsession with me. I know I’m handsome and stuff kaya nga hindi ako bagay sa isang tulad lang nyang halos parang virus kung makadikit. Nakakainis ang mga babaeng sobra sobra kung pagnasaan ako, sakit sa mata. Pffft.

‘’Hooray! Warren, congrats! Sa wakas naipahiya mo din si Domz!’’,napaumis lang ako sa sinabi ni Jocko as I opened my gym locker. We’re here inside the men’s c.r and I’m about to take a shower after that game sa field ng biglang magsipag datingan na parang mga kabute ang iba kong team mates plus Ashter and Jocko.

‘’Ang taray mo Warren ah! You acted like a badass out there!’’

‘’That’s because Warren here is a real badass,Cam. Hindi mo ba alam yun?’’, Ashter said in a matter of fact tone.

‘’Iba ka na Warren ah, sa loob ng isang araw nagiging super trending ka. You’re the man!’’, ofcourse I am ,Bradley my friend, that’s because I am as hot as hell! Ako pa, brineak ako ni Annalis because she found out the truth behind me liking her because I want to get rid of that stupid girl but that don’t really matter kasi nakabawi na ako dun sa babaeng virus na yun.

‘’Pafansign ako Warren boy mamaya ha’’,sabay akbay naman sa akin ni Jocko.’’Akalain mo yun, ang kapal talaga ni Domz no? Iniintay lang pala nya na maghiwalay kayo ni Annalis para dumamoves ulit sa’yo. Lakas talaga ng tama nya sa’yo!’’

‘’Iba na ang kamandag ng isang Warren!’’, sigaw ni Bradley na ngayo’y kumuka ng towel sa locker nya pero agad namang ibinato sa akin sa sobrang kasiyahan, well that’s probably dahil he realized that he’s lucky enough para makakilala ng isang tulad ko na sobrang gwapo.

Agad namang naghiyawan ang iba kong team mates, mga nagpupunyagi sa kagwapuhan ko, that’s it.

‘’Nagkamali yung virus na yun ng lalaking minahal’’, I finally spoke.

‘’Eh bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya?’’,curiousity killed the cat, ramdam ko matagal na yung gustong itanong sa akin ni Cam.

‘’Because I simply hate her.’’

‘’Yun lang?’’,ano pa bang gusto niyang sabihin ko?’’Kawawa naman pala sya eh’’,naawa ka pa sa kanya?

‘’Eh bakit hindi ka sa akin maawa? Surang sura na ako sa presence nya. Kung nasaan ako, nandun din sya. Nakakairita na. Sa katunayan nyan, nadiagnose na ako na may allergy sa babaeng yun. Namamantal ako kapag nakikita sya, halos hindi ako makahinga kapag kinakausap nya ako. Mamamatay pa nga ata ako dahil sa presence nya. Kawawa naman ang team natin kung mawawala na lang ako basta, paano na tayo makakarating nyan sa league championship kung mawawala ang captain at mvp nyo?’’

‘’Ok fine, dude. Naaawa na ako sa’yo. Ikaw na talaga. All hail Warren the Saint!’’, dapat lang. Buti naman at natauhan ka din, Cam.

‘’Sana nga lang matauhan na yung virus girl na yun’’, I said in the meanest tone I can muster.

‘’Sa tingin mo Warren, sa ginawa mo kayang yun titigilan ka na nya?’’

‘’Ashter, pinahiya ko sya sa buong campus at araw araw ko yung gagawin hanggang sa tigilan na nya ako. Kung hindi pa sya matatauhan, totorturin ko talaga sya.’’

‘’Suportado ka naman dyan brad!’’, Jocko exclaimed habang itinalang yung towel ni Bradley as a sign of great pleasure.

I smirked like a devil.

“Susuportahan ka din namin dyan Captain, di ba guys?’’, good thinking Cam. Tama yan, himukin mo pa ang ating team mates.

‘’Salamat sa inyo. I will definitely need all the help I can get, kasi medyo nararamdaman kong hindi basta basta susuko ang virus na yun.’’

‘’So anong dapat naming gawin Cap?’’

‘’Simple lang,kutyain nyo sya. Bully her  with any means you can think of para maging disabled na sya at hindi ko makita ang mere presence nya.’’

‘’Nice. Bet na bet ko yan best friend! So ano? Ipagkakalat ko na ba to sa buong campus?’’

‘’Kahit pa sa buong mundo mo yan ipagkalat. At ako… gagawin ko lahat lahat ng pagpapahiya at pagpapahirap sa kanya, ayawan nya lang ako…’’, and that’s my very brilliant plan. Humanda ka virus girl.

His 18-minute girlfriend (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon