Dahil birthday ko ngayon kaya magUUD ako.haha..chos..sinadya ko langs ngayon ipost yung update kahit nasulat ko na to dati..wala langs sharing ko lang po.hehehehe...ayun...nawa'y maenjoy nyo po :)))
- - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Domz' POV‘’Marsh, that’s the 89th time na binusted ka ni Warren’’, Chloe said in a matter-of-fact tone.’’Congrats, marsh. Isa pang tanong makaka 90 ka na!’’
‘’Kelangan mo ba talagang bilangin yun?’’, talikuran ko nga. Tamporurot mode ako. Magkatabi lang kami sa upuan ni Chloe at katulad ng favorite hobby mo, numero uno din naming gawain kapag wala pa ang aming mga prof eh ang mag ingay.
‘’Why so persistent kasi?’’, alam na naman nya ang sagot eh tinatanong pa nya. Then her eyes sparkled like a twinkling diamond, may brilliant idea atang naformulate si marsh,’’Bakit hindi mo na kaya Domz tigilan ang paghabul-habol mo kay Warren? Oh kaya naman, bakit hindi na lang ibang tao ang mahalin mo? Bakit kailangang sya pa?’’
I threw her a venomous glare,’’Chloe Jane Silvia, wag mong sabihing crush mo din si Warren?’’
Napaitlag si marsh, gulat na gulat sa narinig nya,’’What the fudge marsh. NEVER! Kilala mo naman kung sino ang gusto ko di ba?’’,sabi ko nga paranoid lang ako. “Ang sa akin lang naman Domz, nagmumukha ka na kasing tangang follower ni Warren sa ginagawa mo. Para syang dyos na sinasamba mo eh.’’
‘’Thanks for the concern marsh’’, naappreciate ko yun BUT, with the capital B-U-T. “Naniniwala kasi akong hindi basta papatak ang bayabas sa yung bibig kung kalian mo gustuhin. Para makain mo yun kelangan mong akyatin ang puno’’, words of wisdom ko po yan.
Mukhang nagsosolb na ngayon ng isang milyon puzzle at once si marsh by the looks of her eyes,’’Teka, eh bakit ang mangga, niyog at papaya kusang bumabagsak? Bakit hindi mo na lang din intayin ang araw na magustuhan ka ni Warren na hindi ka naghahabol?’’
May point sya pero mas may point ako. Pag kasi ganun ang ginawa ko aabutin ako ng paglipat ng Philippines sa tabi ng North Pole, isang continental drift na naman ang magaganap kaya go push lang ako. Minsan kasi kelangan mong ipaglaban ang mga bagay na ayaw mong makitang hawak ng iba kahit mag mukha ka pang tanga dahil alam mong sa huli ikaw ang magsisisi kapag hindi mo yun nakuha. Wala eh, yun ang kaligayahan ko.
‘’Chloe, ang mga sinasabi mong nagpapatak na yan; it’s either bulok na yung prutas o di kaya nama’y sobrang hinog. In short, wala ng halaga at pagtyatyagaan na lang ng isang taong nagugutom. Ayoko namang dadating ang panahon na magugustuhan lang ako ni Warren kasi no choice na sya.’’
‘’At ayaw ko ding darating ang panahon na ako ang sisisihin nyo dahil bumagsak kayo sa subject ko kasi puro walang kwentang bagay ang pinag uusapan nyo’’, lagot na! Kilala ko ang mahiwagang boses nay un! Si Sir!
- - - - - - -
Buti na lang sana’y akong mapahiya kundi baka nagwalk out na ako kanina sa klase at nagkulong until the year ends sa c.r. Nahuli kasi nung terror naming prof sa Analytic Geometry na nagdadaldalan kanina ni Chloe. Okay, end of story na nga lang yun. Nightmare kasi, ayoko ng balikan pa.
BINABASA MO ANG
His 18-minute girlfriend (ongoing)
RomanceSa kainisan ni Warren sa manliligaw nyang si Dominique (take note: babae po si Domz and note this, 89 times na syang binubusted ni Warren,according yan sa jot down ng bff nyang si Chloe) , nagbakasakali syang baka tantanan na rin sya nito kung oo na...