Wag Nang Mangamba

17 0 0
                                    



Kung nasasaktan man ako sa iyong paglisan

Nais kong malaman mong ito'y hindi mo kasalanan.

Pinili kong mahalin ka kahit walang kasiguraduhan.

Ibigay ang lahat sa'yo bagamat batid kong di mo ito

       masusuklian.


Buong pagkatao ko ay labis na natataranta 

Sa tuwing naririnig ang boses mong kay ganda.

Sa bawat ngiti mo ako ay nabubuhay.

Hindi ko inakala na tayo ay magwawalay.


Ligaya ng puso ko ay sa iyo nagmula.

Kahit alam kong ikakamatay ko kapag ikaw ay nawala.

Lahat ng hinanakit sa dibdib ay kailangan kong itatwa,

Sa pagakat malinaw ang kalagayan ko sa'yo noon

      pa lamang simula.


Kung kaya sinta ika'y wag nang mangamba.

Kung malungkot man ako ay di mo kailangang mabahala.

Minahal kita at mamahalin parin kita.

Kahit sa dulo ay maiwan akong mag-isa habang 

      ang kasama mo ay iba.




-Autumn <3

(12-02-16)

My Thoughts of You (My Favorite Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon