Paalam, isang salita na kay bilis bitawan
Subalit tunay na kay hirap panindigan.
Sapagkat ang tulad mo ay kay hirap kalimutan
Kung kaya puso ko ay di ka maiwan-iwan.
Bawat hulma ng 'yong mukha ay nakatatak na sa isipan.
Ala-ala mo sa aking gunita ay hinding-hindi matutumbasan.
Hakbang ng iyong mga paa na senyales na ako'y iyong lalapitan
Ang siyang gumigising sa buhay kong tila tinakbuhan
na ng kaligayahan.
Ngayong katapusa'y malapit nang hagkan
Pagkatao ko'y dinudurog at nasasaktan ng lubusan.
Paano nga ba gawin ang wastong pamamaalam
Sa taong nagturo sa akin ng salitang walang hanggan?
Subalit kung ito ang iyong kahilingan
Na ibaon na sa limot ang ating matamis na nagdaan.
Makakaasa kang ikaw ay aking pagbibigyan.
Hahakbang ako palayo habang binibitawan ang
puso kong sa'yo lamang nakalaan.
-Autumn <3
(12-03-16)
BINABASA MO ANG
My Thoughts of You (My Favorite Bully)
RandomThis is a compilation of poems for the best person I never had and will never have.