Kahit Kaibigan Lang

9 0 0
                                    



Nang unang isigaw ng pulso ang pangalan mo.

Sabay nitong ginising ang natutulog na pag-ibig ko.

Nararamdaman na kay tagal kong itinago.

Natakot na baka mapansin at tuluyang layuan mo.


Paulit-ulit na bigkas ang ginawa nitong aking puso

Hanggang sa mapatunayan na ito'y nagmamahal sa'yo.

Isang pakiramdam na pumukaw sa pagkatao ko,

Na siya ding maaring pumatay sa pagkakaibigang 

ating nabuo.


Unti-unting nagbago ang pakikitungo ko sa'yo.

Upang maitago ng bawat distansya ang siklab ng damdamin ko.

Umaasa na isang araw ay magising na lamang ako.

Na di na ikaw ang dinidikta ng pintig nitong kalooban ko.


Mas nanaisin kong kumapit sa kung anong meron tayo

Isang magandang pakakaibigan, Oo, hanggang do'n lamang 'to.

'Pagkat gaya ng malinaw na tubig na umaagos mula sa mata ko.

Ganun din kaliwanag ang katotohanan na di magiging tayo.


Yayakapin ko nang mahigpit ang patalim dito sa dibdib ko.

Hanggang tuluyang patayin nito ang pagsinta ko sa'yo.

Kahit gaano kasakit ay titiisin ko.

Wag lang maputol ang dalisay na samahan, kahit

kaibigan lang ako sa iyo.


-Autumn :)

(12-22-16)

My Thoughts of You (My Favorite Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon