Nang magtagpo ang ating mga mata
Nasaksihan ko ang kislap ng mga tala.
Bawat bigkas ng iyong mga labi ay sadyang mahiwaga.
Dinadala ako nito sa mundo na para bang tayo lamang
dalawa.
Kaba dito sa aking dibdib ay hindi ko mapigilan.
Tila inangkin na ako ng mga titig mong makapangyarihan.
Na handang sundin ang lahat sabihin mo lamang,
Mananatili ako sa iyong tabi hangga't ako'y iyong
kailangan.
Alam kong may mga pagkakataon na ako'y masasaktan.
Subalit nanaisin ko parin ang umuwi sa ating sinimulan.
Buhat sa segundo kung paano ko unang naramdaman
Ang tunay na pag-ibig na sa'yo ko lamang
natagpuan.
Pipiliin kong magmahal ng walang pinagsisihan.
Sa pagkat sa likod nito'y ikaw ang nag-iisang dahilan
Kung kaya hangga't ang kamay ko ay iyong hinahawakan.
Ngingiti ako at magmamahal hanggang sa huling
hantungan.
-Autumn :)
(12-15-16)
BINABASA MO ANG
My Thoughts of You (My Favorite Bully)
LosoweThis is a compilation of poems for the best person I never had and will never have.