Maghihintay

4 0 0
                                    



Kung ikaw at ako ay hindi magtagpo.

Sa paraiso na sa puso ko lang nabuo.

Asahan mong maghihintay parin ako.

Kahit ang pagdating mo ay hindi naipangako.


Mapapagod ako ngunit hindi sususko.

Malulumbay subalit hindi maghahanap ng bago.

Mahahapo pero mananatiling nakatayo

Sa lugar kung saan ang tayo nagiging totoo.


Isang araw man o ilang taon  ang lumipas.

Ang pagmamahal ko ay hindi kailan man kukupas.

Sa nag-iisang taong nagbibigay sa akin ng lakas.

Upang maniwala sa pag-ibig na kailan ma'y di magwawakas.


Kaya ang tanging hiling ko lang sa bawat mong paghakbang,

Di makalimutan ang direksyon sa nilaan 'kong tagpuan.

Doon ay nakangiting  sasalubong kahit walang kasiguraduhan

Kung ito ba'y isang matamis na pagtatagpo o tanda ng pamamaalam.



-Autumn :)

(3-30-17)






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Thoughts of You (My Favorite Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon