Chapter 23

83 0 0
                                    

DJ's POV

1week.

1 week na ang nakalipas since nangyari yung.... alam nyo na.

Samin ni Kath.

Yung hinalikan ko sya.

Guess what?

Di nya na ko pinansin simula nung gabing iyon!

Bigla kasi syang tumakbo. Hinabol ko pero di ko na naabutan. Badtrip.

Aish! Dat kasi di ko na lang ginawa yun! Sabi ko na nga ba hahantong kami sa ganitong sitwasyon. Tas wala pa kong magawa. Iniwasan nya na ko. Kahit anong pilit kong pakiusap sa kanya, gumagawa sya ng excuse para di kami makapag-usap. 

Kaya binigyan ko sya ng time. Time para mag-isip.

Mag-isip kung ano sasabihin nya sakin pag nagkaharap na kami.

"Tol! Kamusta na kayo ni Kath?" Jon

"Ganun parin." Hay buhay.

"Okay lang yan, par. Magkakausap din kayo." Khalil.

Magkakasama kaming mga lalaki dito sa classroom. Yung nga girlfriends nila, may binili daw sa canteen kasama si Kath.

"Pero tol, hula ko lang ah. Baka may gusto rin sayo si Kath." Jerome.

Sana nga.

"Huh? Pano mo naman nasabi?"

"Kasi hindi sya lumayo agad nung hahalikan mo sya. Pinabayaan ka lang nya." Jerome.

"Oo nga. Pero kung gusto sya ni Kath, bakit sya lumalayo ngayon diba?" Diego.

Oo nga.

"Eh malay nyo, yun yung tamang naiisip ni Kath. Kasi may girlfriend ka pa rin sa paningin ng lahat except samin." Julian.

Oo nga no. Pwede rin.

"Baka di nya lang talaga ko mahal kaya iniiwasan nya ko. Baka akala nya sa pag-iwas nya sakin, makamove on ako. Kung ayaw nya sakin kasi dahil sa may girlfriend ako na si Zharm... edi makikipag hiwalay ako."

Ayoko kasing mag-expect. Mag-assume. Masasaktan lang ako nyan eh. Pero di ko naman dina-down sarili ko. Sinasabi ko lang yun para mas magpursigi ako kay Kath.

"Andyan na sila.." Jon. Nakita namin silang papalapit samin. Tinignan ko si Kath. Tumingin sya pero nag-iwas agad ng tingin.

Kakausapin ko na sya mamaya.

"Anong binili nyo? PENGE AKO!" Julian.

"HEH! Bumili ka ng iyo!" pangaasar ni Janella.

"Damot neto. Jon oh.." Humawak pa si Julian sa braso ni Jon. Parang bata haha.

"Ano? Bat sakin ka nagsusumbong?" Inis na sabi ni Jon. Nalungkot naman ang mukha ni Julian kaya lumipat sya kay Michelle.

"Baby oh... andamot nila. Hati naman tayo dyan diba?" Sabi ni Julian kay Michelle.

"Ano ka sinu-swerte?! Nagpasama ako sayo kanina, di mo ko sinamahan! Bahala ka dyan! Mamatay ka sa gutom." Michelle.

Nagtawanan ang buong barkada. Pati si Kath.

Mamaya, nagkanya kanya din kami. Tapos na rin kasi yung klase.

Nakita kong papunta si Kath sa locker nya. Wala ng tao kaya sinundan ko sya.

Pagkakuha nya ng mga libro nya, hinila ko sya papunta sa room tabi ng locker. Bukas yung pinto kaya nakapasok kami.

Love takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon