Chapter 24

80 0 0
                                    

Kathryn's POV 

Lumipas ang ilang buwan. Lagi kaming nagkikita ni Dj.....

ng patago.

Ugh. Ayoko na nga kasi para kong kabit.

Pero mahal ko si Dj. At magkapatid naman sila ni Zharm, kaya wala namang problema. Ang problema lang eh yung mga tao sa paligid namin na hindi alam ang tungkol kay Dj at Zharm. Palagay ko nga eh, ang dami ng nakakahalata samin.

Alam nyo naman pagdating kay Dj.... yung mga babae chismis agad.

Wala eh. Hearthrob eh.

*Bzzzzzzzzzt*   

From: DJ Pogi

"Ms. Beautiful. Rooftop. Lunch. Bought you something ;)"

Wag kayo. Ako nagpalit ng name nya sa phonebook ko.

It was only a dare.

Naglaro kasi kaming starring game. Unang pumikit, talo. Kiniliti nya ko, kaya ayun napapikit ako. Asar eh no.

Pero okay lang hahaha.Landi :(

Reply: K.

Pustahan, inis na yan. Ayaw nya ng nirereplyan sya ng K. Pag ginaganon sya nila Jon, minumura nya eh. Hahaha.

Ang ikli na nga dawkasi ng Ok. Papaikliin pa ng K.

From: Dj Pogi

"Bwiset. Lagot ka sakin mamaya. *smirk*"

Abat. May smirk pa talaga? Tss. Yaan mo sya dyan hehe.

"Oh ate? Bat ka nakangiti?" sabi ni Julia habang nag-aayos ng gamit sa locker.

"Wala naman."

"Asus. May date nanaman kayo mamaya ni Dj no?" Onga pala. Sinabi ko pala sa kanya yung tungkol samin ni Dj. Sya lang ang sinabihan ko. Sya kasi yung tinuturing kong bestfriend talaga.

"Pinapapunta nya ko sa rooftop mamayang lunch eh."

"Date nga ulet. Kath, doble ingat kayo ah? Maraming fans tong si Dj. Bawat galaw nya, kalat agad sa buong campus. Nag-aalala lang ako sayo. Baka masira image mo, lalo na't di nila alam yung totoong relasyon ni Dj at Zharm." Im very lucky to have this girl in front of me.

"Yes ma'am. Doble ingat po kami. Kinakabahan nga ako lagi sa tuwing magkikita kami. Ayoko rin naman masira image ko, pero mahal ko talaga si Dj." Sabi ko.

*Boooggshhh*

Napatingin kami agad ni Julia kung san galing yung ingay na yun.

Wala namang tao.

"Omg sis. May nakarinig kaya saten?" sabi ni Julia na halatang kinakabahan.

Oo nga. Shit. May nakarinig kaya?? Di pwede to. Malalagot kami.

"Sana wala..." sabi ko.

Zharm's POV

Im with my boyfie right now.

He's so sweet. Sinundo nya talaga ko sa bahay kanina with breakfast pa. Hihi.

Pero ngayon andito kami sa may Parking. Nakaupo sa hood ng car nya. Pero sya nagtetext. At ako, nakatitig lang naman sa kanya.

"Hey, sino ba yang tinetext mo? Magkasama tayo pero parang hindi naman. Di ka kumikibo dyan." sabi ko.

"Sorry. Tinext ko lang sila Jon. Ano? Tara na? Hatid na kita sa room."

Love takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon