Chapter 28

121 0 0
                                    

Quen's POV

Alam ko yung may relasyon sila Daniel at Kath dati. Pero alam ko, girlfriend din ni Daniel yung... Zharm ba yun? Sinabi ko kay Kath na ginagawa syang kabit ni Daniel pero sabi nya lang, di ko daw naiintindihan. Pano ko maiintindihan, kung di nya pinapaintindi? Pero lagi nya namang iniiba yung topic pag sinasabi ko ulet yun. Kaya tinigil ko na, wala rin akong mapapala.

Yeah. Alam ko namang dahil sa ginawa ko kaya nasira yung buhay ni Kath non eh.

Nung nalaman nyang wala na sila Daniel, simula nung araw na yun, natuto syang uminom. Madalas syang umiinom pag naiisipan nya o trip nya or bored sya, at pagnaiisip nya si Daniel. Di na sya nag-aaral. Lahat ng kaibigan nya, sinubukan syang ibalik sa dati, pero unti na lang ata... pati sila mag give up na rin. Lahat ng grades nya, bumaba. At wala rin syang pake. Yung mommy at daddy nya, nag out of town dahil sa business kaya di nila alam ang tungkol sa nangyayari kay Kath noon. Kapag may naririnig syang chismis about kay Dj at sa kanya, inaaway nya.

She change because of him.

Ganon epekto ni Daniel sa kanya.

That time, gustong gusto kong puntahan si Daniel kung nasan man sya at bugbugin, dahil iniwan nya si Kath. Oo, ako ang dahilan ng pag alis nya. Pero di naman sapat yon para iwan nya si Kath at di pa nagpaalam manlang.

Pero naniniwala parin ako na may mas mabigat pang rason si Daniel kung bat nya ginawa yon.

Aba. Dapat lang! Kung umalis sya ng dahil sa ginawa ko, sapakin ko yun.

Natapos ang pagiging 2nd year high school namin, ganun parin si Kath. Nagkaron nga sya ng summer class dahil bagsak yung isang subject nya.

Buti na lang nung 3rd year namin, bumalik na sya sa dati. Tuwang tuwa ang mga barkada nya non. Syempre pati ako. Nung 3rd year din pala, lumipat ako sa school nila.

"SLAVE!!!" nagulat ako sa sumigaw malapit sa tenga ko kaya may nasipa akong..... matigas na part.

At dahil don, natumaba si...

si...

si Kath sa akin.

Nakapatong sya sakin.

She's only wearing sando and shorts!!

Help me!!

Nagkatitigan lang kami and before I do anything, nagsalita na ko.

"U-uhm.. sorry. Binti mo ba yung nasipa ko?"

"A-ahh. O-oo. Okay lang, wag ka na magsorry. Oo, okay lang talaga. No need to say sorry." Eh? di pa nga ko nagso-sorry.

"Bat ganyan suot mo?" tanong ko. Kaya ko pumunta dito kasi gusto ko syang dalhin somewhere na di pa namin napupuntahan.

"Ano meron sa suot ko?"

"Magbihis ka!"

"Ay. Inuutusan mo ba ko? ha? Inuutusan mo amo mo?" Footspa. Slave nga pala ko -__-

"Di po, Ma'am Ganda. May pupuntahan po kasi tayo, kaya pinapabihis ko kayo."

"Ahh. Dapat kasi sinasabi mo. Wait, bihis lang ako. At isa pa, kung manonood ka, manood ka. Di yung bubuksan mo yung tv tas tutulala ka dyan. Conserve Energy naman." speech nya. Pfft. Parang sya hindi ganon. Tsaka, kailan pa naging matipid to sa kuryente?

Naglilipat lipat ako ng channel hanggang sa natigil ako sa isang news... 

"Mr. Ford, do you ever wished to be an actor?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon