Chapter 27

59 0 0
                                    

Hanggang sa Chapter 26 po ay 2nd year highschool palang sila Daniel, Kath, Carmela/Zharm, ETC. Medyo maselan po ang Chapter 25 para sa edad nila pero aminin man natin o hindi, may mga ganung tao na. Ako po may kilala 'ko. Yun lang po,sinasabi ko lang hahahaha.

Eto na po update :)

-------------------------------------

Kath's POV

AFTER 7 YEARS...

*Ding dong*

*Ding dong*

*Ding dong*

*Ding dong* 

"Ahhh!! Eto na!!" Ang aga aga pa eh! Sino ba to? Distorbo sa tulog!

Pumunta ko sa may pinto ng condo ko ng nakapikit. Binuksan ko ang pinto at sinigawan ang taong nambulabog sa tulog ko.

"Ano bang kailangan mo, bat ka nanggigising ng ganito ka-aga?!! HA?!"

Imbis na sumagot yung sinigawan ko, eh pinindot nya yung noo ko gamit yung daliri nya.

"Tungak. Alas-kwatro na ng hapon!"

Tumingin ako sa kanya..

Na kasalukuyang kumakain ng pizza na sa tingin ko, eh dala nya.

Wow, pizza.

Sa gutom ko, kumuha ako agad ng isa. Hmm ang sarap! 4 pm na pala kaya siguro, gutom na gutom na ko.

"Hoy Kath! Bat ka nanaman nagpuyat kagabi? San nanaman kayo pumunta nung lalaking yon, ha?" sabi ni Julia, na bestfriend ko. Si Julian Montes.

"Nagparty-party." Walang gana kong sagot.

Umuusok na siguro tenga neto. Ayaw nya kasi akong sumasama sa mga ganon ng hindi sya kasama. Sweet no? I know hehe. Pero di naman talaga kami nagparty party, inaasar ko lang sya.

"Ano?! Diba sabi ko sayo--"

"Joke lang yon!! Eto naman.."

Napahamak na kasi ako dati. Dahil sa nalaman ko, nagpakalasing ako.Nagparty-party nga. Muntik ng may mangyaring masama sakin, pero buti na lang niligtas nya ko.

Not Julia ah.

"So san nga kayo nagpunta kagabi?" tanong nya. Patuloy lang kaming dalawa sa pagkain ng pizza.

"Nagmovie marathon lang kami. May dare kasi eh, syempre di ako nagpatalo." Yung 7 series kasi  ng Harry potter pinanood namin. Kailangan namin tapusin yon lahat. Kung sino unang makatulog, sya ang talo. 6 am nakatulog si Quen. Series 5 pa lang kami nun, bagsak na sya. Pinicturan ko muna sya bago ko matulog para may evidence ako na nakatulog na syang gising pa ko bwahaha. And the winner is... ME.

"Sus. Nga pala Kath.... Engaged na kami!!" Saka pinakita sakin ang engagedment ring na suot nya.

"Wehh?? Kailan pa??"

"Kahapon lang hehe."

"Aww Juls!! I'm so happy for you!! Talagang sure na sure ka na kay Diego ah!"

Sila parin ni Diego hanggang ngayon. Grabe. Buti pa sila.. on the way to forever na.

SANA forever na sila. Para naman maniwala na kong totoo yun. Kasi sakin, walang permanente. Lahat temporary lang.

Joke. Hahaha. I'm so thankful kasi andyan yung barkada namin for me, lalo na si Julia and.. Quen.

"Oo naman no! Hahaha. So mamaya, magdi-dinner ang barkada. Ipapaalam namin sa lahat na engaged na kami. Sayo ko pa lang kasi sinabi eh. So wag ka muna maingay sa iba ah. Required umattend mamaya."

Love takes TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon