Isa akong sundalo na handang ipag-laban ang aking bayan para sa ikakaligtas ng lahat.Pero ang sakit lang ng malaman ko na ang taong mahal ko ay may mahal nang iba.
"Lagi ka kasing wala! Wala ka sa tabi ko ng mga panahon na kailangan kita"
Ang mga salita na sinabi niya sakin bago niya ako iwan sa kanyang boss sa call center.
Nag pakalasing ako
Nag padestino ako sa lugar na yun para makalimutan ko siya pero isang gabi pag uwi na pag uwi ko galing sa kung saan ako na destino.
Nakita ko siya may pasa sa mukha at kung saan saan pang parte ng katawan niya."Binubugbug niya ako...
Di kita matawagan kasi ang sabi nila umalis ka nanaman daw...
Kaya dito ako sa bahay mo natulog ng isang lingo"
Naluha siya ng tinabihan ko.
Umiyak siya sa mga braso ko ang mga salita ko nalang nasabi ay
"Malalagot siya sakin".Ng makatulog siya pinagmasdan ko ang mga pasa niya sa mukha, braso, tiyan...
Nag init ang ulo ko at pinuntahan ang boss niyang yun.
Binunot ko ang baril ko at tinutok ko sa puso niya.
Umuwi ako na puno ng dugo.
"Bakit mo ginawa yun? Bakit mo pinatay ang sarili mong tatay ?!"
Sinilip ko ang baril ko
Nakita kong may isa pang bala"Ayaw ko na nakikita kang nasasaktan kaya patawad".
![](https://img.wattpad.com/cover/91966929-288-kcbb374.jpg)
YOU ARE READING
Stories
RandomMy collection of my own short stories cause I suck at making long ones