Sinabi ko na hindi na kita mahal.
Pero ngumiti ka sa harap ko na parang ayos lang sayo lahat ng mga sinabi ko.
Tama nga si james may babae ka nga.
Hindi mo na ako mahal.Kaya nag lakad ako papalayo
Di na ako nag text at nag chat
Sana masaya ka jan sa babae mo.Una kong naramdaman ay galit
Galit na galit ako sayo
Pero habang tumatagal ay nami-miss na kita.Lumipas ang mga araw lalo kitang nami-miss
Nag text si james na kung pupwede ay mag kita kami.
Pumayag naman ako.Nakaalis na ako ng di ko namalayan naiwan ko ang cellphone ko sa bahay.
Hinayaan ko nalangNg marating ko ang lugar kung saan kami mag kikita ni james ay nagulat ako may mga bulaklak na sumalubong sakin.
Pinabibigay po ng lalaking gwapo
Ang sabi ng bataNaiiyak ako
NaluluhaEllayn matagal na kitang mahal.
Tinanong ko kung kailan pa?
Ang sabi niya noong maging kami ni tristan ay mahal niya na ako dati pa pero naunahan lang daw siya.Binalik ko ang mga bulaklak na binigay niya sakin.
Alam ko naman na mahal mo padin si tristan kahit anong paninira na ang ginawa ko.
Mas lalo akong nainis
Sinampal ko siya
At umuwi na ako sa bahay.Makalipas ang ilang lingo tinawagan ako ng nanay ni tristan
Di ko ito sinasagot dahil nahihiya ako at di ko alam kung anong sasabihin kay tristan kaya pinatay ko ang cellphone.
Lumipas na ang buwan pero hindi na nangungulit ang nanay ni tristan.
Pero bigla nalang itong kumatok sa gate ng bahay na naka itim at may nakasuot ng sunglasses
Hindi ako lumabas at hinayaan ko si mama ang kumausap.
Ng sinilip ko ulit ay nakita ko si mama na naluluha at yakap ang nanay ni tristan
Di na ako mapalagay ng mga panahon na yun
Ng pumasok si mama ng bahay ay agad naman niyang inabot sa akin ang isang envelope
May laman daw itong sulat na tanging ako lang daw ang mag basa.
Hi ellayn,
Kamusta ka na? Alam kong ayos ka lang kasi alam ko rin na isa kang malakas at independent na tao. Kung nababasa mo ito siguro ay kasama ko na si papa God sa heaven. Ellayn I love you hanggang sa buwan at pabalik. Alam ko na marami akong pagkukulang bilang isang boyfriend pero sana nung mga panahon na mag kasama tayo naiparamdam ko sayo na mahal na mahal kita. Masyado akong nasaktan siguro ng sinabi mo na hindi mo na ako mahal dahil wala ka ng pag mamahal para sakin. Napainom tuloy ako ng madami at napabayaan ko na sarili ko kaya siguro binalikan ako ng katawan ko at ganito ang ginawa sakin. Pero ayis lang ellayn hindi ako mawawala ng malungkot dahil minahal ako ng isang babaeng walang katumbas na kahit ano sa mundong ito. At kahit anong mangyari ikaw parin ang mahal ko.
Paalam ellayn.
Tristan

YOU ARE READING
Stories
RandomMy collection of my own short stories cause I suck at making long ones