Till death do as part

1 0 0
                                        

"Cheers for the newly wed couples !"
Sabi ng tatay ng asawa ko

Routine lang sa kasal
Pag katapos ng reception may mga uuwi na pero may mag stay pa
Kasama dito ang mga tropa ko na nag dala ng kung ano ano pampagana daw sa kama.

"Tol eto ohh inumin mo bago kayo magyakap sa dilim ni misis mo pampaflagceremony yan sa Gabi" tatawa na sana ako pero may nagpresenta pa ng isa pang regalo

"Pare eto nmn balot pampatigas ng tuhod" pati isa pa

"Eto pare in case of emergency na pagod si mare ehh alam mo na" sabay abot sakin ng USB na 32 gb.

Inuman.
Lokohan.
Kwentuhan.

Nag si dating na din ang mga asawa ng mga kupal at doon natapos ang kasiyahan.

Pumunta ako sa kwarto para mag handa na aa aksyon namin ni misis ko.

Pag bukas ko ng pinto na amoy ko ang mabulaklak na bango na galing sa mga kandila.

Aba mukang may aksyon na magaganap.

Pero.

Hindi pala para sa akin ang aksyon
Dahil ang misis ko ay may kasiping na iba sa kama.

Lumabas ako ng parang walang nangyari.

Pumunta ako sa kwarto ng tatay niya
Niyakap ito.

Naalala ko pulis ang tatay niya malamang may baril to sa tabi tabi.

Hinanap ko.
Nakita ko sa bag ng tatay niya.

Kinuha ko.

Pumunt ulit ako sa kwarto namin na parang wala lang

Binaril ko yung lalaki.
Ngumiti ako
"Till death do us part?"
Binaril ko rin ang misis ko.

Masaya na kaya sila sa impyerno?
Kasi ako masaya na ako dito sa selda ko.

StoriesWhere stories live. Discover now