Ikaw padin

2 0 0
                                    

Hindi na kita mahal

Ang mga salita na iniwan mo sakin

Bakit? Tinanong kita kung bakit?
Ang tangi mong sagot ay

Di ko din alam? Wala ng pag mamahal akong nararamdaman para sayo.

Masakit pero pinakita ko sayo na nakangiti ako at sinabi ko na.

Ganun ba? Sige pag kailangan mo ako nandito lang ako.

Tumalikod ka at di na ulit nag pakita sakin.

Walang text

Walang chat

Walang kahit anong connection sa ating dalawa na parang walang nangyaring pag mamahalan sa mga taon na ating pag sasama.

Sana masaya ka.

Di mo ba alam na mahal parin kita?

Taon ang nakalipas

Nag lakas loob ako na i text ka sa dati mong number

Me: Yow? Kamusta?

Nagulat ako ng tumawag ka.

Agad agad kong sinagot pero

"Hello tristan? Mama to ni elleyn"
"Hello tita asan po si elleyn?"
"Ahh kasama niya si james"
"James?"
"Oo ang kwento niya sakin dati bestfriend mo daw yun si james?"
"Ahh sige tita salamat po bye po"

Sabay pinatay ko ang telepono

Parang sinaksak ang puso ko.
Ang hirap huminga
Ang hirap gumalaw
Nag dilim ang paningin ko
Sabay

Nagising ako sa hospital.
Ang nanay nakaupo sa gilid at ang tatay naman ay kakapasok lang

"Nak kamusta ? Okay ka lang ?"
Nagising naman bigla ang inay at ganun din ang sinabi pero di ako makasagot tuyo ang lalamunan ko.

Dumating ang doctor at binalitaan sila mama.

Tinaningan na ang buhay ko.

Masyado na daw sira ang kidneys ko at ang atay ko himala na lang daw na nabuhay pa ako ngayon.

Tinapik ko si inay at nilapit naman niya ang mukha niya na puno ng luha sa akin at pabulong ko na sinabi na.

Inay gusto ko makita si ellayn

Tinawagan ng inay pero ayaw daw sumagot
gumawa nalang ako ng sulat.

Kahit anong mangyari ikaw parin ang taong mahal ko.

StoriesWhere stories live. Discover now