Chapter 13 - Dropping form

15 0 0
                                    

Chapter 13 - Dropping form

HYUNA

Pagkatapos kong binisita si mama sa hospital nag hanap na ako ng perang pwedeng pagkakakitaan.

Pumasok ako sa isang Karinderya at Nag apply, Kinuha naman kaagad nila ako Para tagapag hugas,
Ngayon ko lang naranansan ang magka trabaho napaka hirap pala kumita ng pera kasi kailangan mo ng magsakripisyo bago makuha. Patapos na ako mag hugas ng may ipinatong ulit sila na isang batyang Mga plato. Napakamot lang ako ng ulo sa rami nito ang sakit na din ng likod ko at leeg ko.

Pagkatapos ng buong araw na paghuhugas, Pagdating ng gabi. Umuwi na rin kaagad ako pagkakuha ko ng sahod ko.

Pagkapasok ko palang nakita ko na si manang Umiiyak na may kataeag sa phone

"Oh sige. Si-sige po doc. ." Sabi jiya tska nya binaba

Kaya kaagad akong lumapit sakanya "manang si doc. Po ba yun?" Pag aalalang tanong ko tiningnan lang niya ako ng may lungkot sa mata at tumango kaagad niya akong niyakap

"M-manang a-ano po bang nangyari k-kay . .mama?" Ayuko magtanong kasi ayuko malaman kung ano ba ang nangyari kasi natatakot ako pag nalaman ko hindi ko na talaga alam ang gagawin ko

Humarap siya sakin "a-ang mama mo. H-hindi na kaya ng gamot k-kaya kailangan na niya ma operahan sa isang buwan. Pag hindi siya na operahan baka di na makayanan ng mama mo. ."

"Papaoperahan natin, titigil mo na ako sa pag aaral. magkakayod ako" Sabi ko kay manang "ilan ba ang perang kailangan?"

"I-isang milyon"

Nagulat ako sa tanong ni manang Isang milyon? Isang milyon?! Saan ako kukuha ng isang milyon? Kahit pa ibenta namin ang bakery, bahay at mga gamit hindi to aabot sa isang milyon. Napahilamos lang ako tska umupo sa sala.

"Manang mahihirapan po tayo sa isang milyon." Sabi ko

Napansin kong may kotseng paalis at bumusina kaya kaagad akong Napatayo at pumunta sa Pintuan pero nakaalis na ang kotse

"Sino naman kaya yun?" Takang tanong ko sa sarili

"Iha. Isang Linggo na lang bago ang susunod na buwan. Sa isang Linggo na yun kailangan natin kumayod ng isang milyon. Mangungutang akosa 5.6 at mga kakilala ko magkakayod na din ako tska manghihingi na din ako ng tulong sa mga tao" Sabi niya

Tumango na lang ako bilang pagsang ayon.

"Kailangan ko ng bumalik sa hospital" sabi niya at niyakap ako bago siya umalis.

---

ZION

Papunta ako sa bahay nila Hyuna para asarin dahil hindi ko siya naasar at nabigyan ng kamalasan sa araw na to.

Kaagad akong pumasok sa Bahay nila ng napansin kong umiiyak ang isang matandang babae na mukhang lola niya o katulong nila kaya na curious ako at nagtago ako sa may pader.

"Oh sige. Si-sige po doc. ." Sabi nung matanda sa kausap niya sa phone

Kaya kaagad lumapit si hyuna sakanya "manang si doc. Po ba yun?" Pag aalalang tanong niya sa matanda ng may lungkot sa mata at tumango kaagad yung matanda at agad niya itong niyakap

"M-manang a-ano po bang nangyari k-kay . .mama?" Rinig kong sabi ni hyuna

Humarap siya sakin "a-ang mama mo. H-hindi na kaya ng gamot k-kaya kailangan na niya ma operahan sa isang buwan. Pag hindi siya na operahan baka di na makayanan ng mama mo. ." Paliwanag nung matanda

"Papaoperahan natin, titigil mo na ako sa pag aaral. magkakayod ako" Sabi niya agad akong napatulala sa sinabi ni hyuna. Hindi pala siya ganong kayaman? Pero bakit nila nakayanan ang mag aral sa Odelton University? "ilan ba ang perang kailangan?" Tanong niya

The Unrelationship GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon