Chapter 14 - NO TO WEDDING
MINHYUK
"Bakit ba kasi antagal ng Principal na yun?" Inis na sabi ko sa mga kaharap ko ngayon
Kasalukuyang nandito kami sa Rooftop nagtatambay kasama mga hyung ko.
Sarap talaga nitong lollipop ko habang ninanamnam ko naalala ko bigla si Hyuna.
Nandito naman si Zion, paniguradong matutuwa to pag nalaman niyang mag drodrop na si Hyuna
"Hyung." Sabi ko kay hyung Zion pero napatigil silang lahat sa kani kanilang ginagawa pwera kay Zion na busy sa paglalaro sa PSP niya at tumingin sila sakin
"Hyung Zion." Sabi ko ulit sinamaan lang nila ako ng tingin at pinagpatuloy ulit nila ginagawa nila bat ang busy nila ngayon sa mga gadgets nila?
Hindi lang ako pinansin ni Hyung Zion at focus na focus sa kanyang Psp
"May importante akong sasabihin at sigurado akong matutuwa ka" sabi ko kay hyung pero hindi pa din niya ako pinapansin
"I'm not interested." Ikling sabi niya
Huh? Talaga lang huh. Tinangal ko ang lollipop sa bibig ko at sumipol
"Aalis na si hyuna sayang naman" pa simpleng sabi ko, sa totoo lang crush na crush ko si noona hyuna, ang ganda kasi niya tas ang tapang pa
Tumingin lang sakin si Zion "So? Anong oras na ba? Syempre uuwi na yun tska kailan kapa naging intersado sa Stupid na katulad niya?" Takang tanong
"Ngayon lang. Kasi mag drodrop na siya." Sabi ko,
"I-I don't care. Bakit mo ba sakin sinasabi? Buti naman at mag drodrop yun kasi sawang sawa na ako sa mukha niya!" At ngumiti siya ng malawak na sagot niya tska siya tumayo at naglakad palayo
Sabi na nga ba matutuwa yun! Tsk tsk akala ko pa aan may gusto yun kay hyuna.
--
HYUNA
Palabas na ako ng Principal office hawak hawak ang dropping form ng makasalubong ko sa hall way si Zion. Bigla niyang inagaw sakin ang dropping form dahilan para mag salubong ang mga kilay ko
Problema neto?
Tiningnan lang niya ang dropping form saka tumingin sakin na naka smirk. At binigay sakin
"Bilis bilisan mo magpa pirma dahil sawang sawa na ako makita pagmumukha mo sa harap ko." Ani niya saka siya tumalikod at humarap ulit siya ng nakapamulsa
"Ayuko na makita pagmumukha mo kaya pag nagkasalubung tayo o nakita mo ako. . Magtago ka." Sabi niya tska siya tumalikod at naglakad palayo
Para akong sinaksak ng mga salitang binitawan niya. Ganoon niya ako kaayaw makita at pirsigido siyang mag drop na ako.
"Hyuna" Ani ni fae na kakarating lang mukhang katatapos lang ang klase niya
"Oh fae. Tapos na klase?" Tanong ko
"Ah oo. May 2 hours vacant ako. Ano na? May sunod ka pa bang klase?" Tanong niya
"Ah mag cucutting ako. Gusto ko na kasing simulan ang pagpapapirma sa mga Professors, para mas maagang matapos." Paliwanag ko
Tumango lang siya at binigyan niya ako ng malungkot na ngiti "Ano samahan na ba kita magpapirma?" Tanong niya
"Sure ka?" Ani ko
"Oo naman. Ngayon na nga lang tayo magsasama ipagkakait mo pa ba?" Sabi niya at hinila na ako patungong faculty room.
---
BINABASA MO ANG
The Unrelationship Girlfriend
Teen FictionThe Unrelationship Girlfriend "Let's make a deal" Zion said while smirking Nagsimula lahat sa isang salita, ang mga pangyayari ng hindi inaasahan ni Hyuna isa lang siyang transfer student sa isang mamahaling eskwelahan, isa siyang Normal na estudyan...