Chapter 15 - Funny
HYUNA
Habang naglalakad ako kasama ang secretary ni principal papuntang office ni Director Zack. tinitingnan ko lang ang aking dropping form, pagkatapos ng dalawang araw na papirmahan na lahat ng professors ko at si Director Zack na lang ang wala.
"Nandito na tayo. Ikaw na lang ang pumasok ayuko mabugahan ng apoy." Sabi ni Secretary at bigla akong kinabahan
Ganoon na ba siya kasungit?
"Oh ano? Hihintayin na lang kita dito. Siguraduhin mong may Valid reason ka para mapapirmahan yan." Masungit niyang sabi sakin at napa cross arm lang siya at umupo sa may upuan sa gilid
Nag roll eyes lang ako sakanya. Kinakabahan akong pumasok halos ayukong kumatok sa malagintong pintuan neto. Pintuan palang napakalaki na.
"Ano tutunganga ka na lang diyan?" Inis niyang sabi
Wow. Thank you nakakatulong ka sa kaba ko! Nakakainis tung urgh.
Kumatok na lang ako
Knock knock knock
Biglang bumukas ang pintuan at isang matipunong lalake ang sumalubong sakin naka black suit siya at naka shade, Matangkad siya at matitipunong katawan. Nakakatakot
"Ah eh- n-nandito po ba si D-Director Odelton?" Takot kong tanong sakanya
"Bakit?" Tanong niya. Boses palang nakakatakot na
Pinakita ko lang sakanya ang dropping form. May tiningnan siya sa ipad niya na mukhang schedule ni director
"May business trip siya at Bukas ng gabi pa siya darating wala siyang time para sayo." Isasara na niya sana ang pinto pero agad ko itong pinigilan
"Ahm kailangan ko na po kasing ipasa tung dropping form sa isang araw. Kailan ba siya may time?" Ani ko
"Pasensya na-"
"Please po kailangan ko po talaga tung mapapirmahan para sa magulangg kong nag aagaw buhay, kailangan ko pong mag drop at maghanap buhay para sa pagpapaopera ng mama ko mahirap lang po kami at scholar lang ako dito. So nagmamakaawa po ako sainyo." Pagmamakaawa ko sakanya
Please maawa ka.
May kinalikot siya sa phone niya na parang may tinatawagan "Hello secretary Kim. . May estudyante dito kailangan niyang makausap si Director Zack kailan siya may time?. . . kailangan talaga niya. . Sige paki schedule at tawagan ako pag may oras siya." Tapos binaba na niya ang phone. Mabait naman pala si Mamang Guard eh
"Name?" Ikling tanong niya
"Hyuna Gomez." Sabi ko kaagad
"Course?"
"Second year college. Business administration." Sagot ko
"Sige ipapatawag na lang kita pag okay na." Sabi niya
"Inaasahan ko pong tatawag kayo. Salamat po" sabi ko saka ako tumalikod
"Bata. Umaasa akong gagaling ang magulang mo." Sabi niya tska niya isinara ang pinto napangiti na lang ako at napansin kong wala na si secretary dun kaya naglakad na lang ako palayo.
--
ZION
Umupo ako dito sa garden namin at nag iisip ng magandang plano.
Nang bigla may naalala ako.
Flasback-
"Oh sige. Si-sige po doc. ."
BINABASA MO ANG
The Unrelationship Girlfriend
Teen FictionThe Unrelationship Girlfriend "Let's make a deal" Zion said while smirking Nagsimula lahat sa isang salita, ang mga pangyayari ng hindi inaasahan ni Hyuna isa lang siyang transfer student sa isang mamahaling eskwelahan, isa siyang Normal na estudyan...