Chapter 17 - Meet Margarette Tyler

24 1 0
                                    

Chapter 17 - Meet Margarette Tyler

HYUNA

Kinagabihan. Naglalakad ako dito sa Subdivision na binigay ni Mamang guard. Nang nasa harap na ako ng malaking black gate na hindi kita sa loob.

Nag doorbell na ako ilang saglit lang binuksan ng isang katulong

"Yes Ms.?" Tanong niya

"D-Dito po ba ang bahay ni Director Zack Odelton?" Magalang kong tanong

"Oo, bakit anong kailangan niyo sakanya?" Takang tanong niya

"Gusto ko lang po kasi makausap si Director Odelton. E-eto po yung dropping form Ms. Kailangan ko kasing maipa sign sakanya to." Sabi ko at pinakita ko sakanya ang dropping form ko

"Ahy pasensya na Ms. Pero busy kasi si Sir ngayon ayaw niya magpaistorbo bumalik na lang kayo sa isang araw." Sabi niya..

"Kailangan ko po talaga ate please po. Para po to sa mama ko na may sakit. Kailangan ko na po itong ipapirma para po makapag drop na po ako at makapagkayod para sa pagpapaopera ng mama ko, Isa lang po ako scholar sa Odelton University. Please po nagmamakaawa po ako sa inyo" pagmamakaawa ko

"Ganoon ba. O siya pumasok ka na muna" sabi niya natuwa ako at pumasok kaagad ako

Pagkaapak ko palang sa loob. Napanganga ako sa Napakaganda at napakalawak na garden punong puno ng Magagandang halaman at may malaking fountain sa gitna na ito At isang napakalaking mansyon.
Hanggang sa pumasok kami sa Napakalaking pintuan

Wala akong masabi.

Salas palang eh parang basketball court na sa lawak nito. Pinaupo lang ako ng katulong sa sala at nagpaalam siya saglit.

Napatingin ako sa Hagdan na subrang ganda parang hagdan ng isang kaharian.

Teka.

Tumayo ako at tiningnan ang mga larawang nakasabit sa mga dingding. Lumapit ako sa isang frame na larawang Isang pamilya, Isang batang babae at isang batang lalake, familiar tung batang lalake parang nakita ko na siya ah.

Tiningnan ko lang bawat larawan at pilit inaalala ang batang lalake kasi napaka subrang familiar.

Ng madapo ang tingin ko sa isang malaking frame. Nagulat ako dahil isang pamilya at nandun si Zion!?!

Anong ginagawa ni Zion diyan!?

Kinusot kusot ko ang mata ko baka namamalikmata lang ako pero siya talaga!

Binalik ko ang tigin ko sa batang lalakeng larawan nakatabi nito at mukhang si Zion nga yung bata! At kamukhang kamukha pa niya si Director Zack!

Teka. Zion Aiden Odelton. . ZI-ON AI-DEN O-DEL-TON! ZACK O-DEL-TON.  O-DEL-TON UNIVERSITY!

What!!!!?? ODELTON?!!!

Ibig sabihin. Si Zion ang anak ng may ari ng ODELTON UNIVERSITY?!

Napatakip na lang ako ng bibig ko sa gulat

Teka . Teka . Teka!

Ibig sabihin si Zion ay anak ni Director Zack Odelton.?

Flashback-

"Hindi ko kasi kilala si Director Zack."

"Ah tingnan mo na lang si Zion."

"Huh.?"

"Magka mukha sila."

"Huh. Liit naman ng mundo? Bakit ano naman connection nilang dalawa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unrelationship GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon