[Luise]
"I'm hoooooome!" sigaw ko ng makapasok na ako sa bahay saka nag tatakbong umakyat sa kwarto.
Hahaha! Natatawa talaga ako tuwing naaalala ko yung nag yari kanina kay Marco sa klase namin. Bigla na lang akong napapangiti pag nag pa flashback sakin yung scenario.
Ang kyut nya kanina habang nakikita ko yung nahihiya nyang mukha tapos kahit na nakakahiya yun nagawa nya pang tumawa.
"Yieeeeeeeeee!" patalong akong sumubasub sa kama ko at tinakpn ng unan yung mukha ko para di nila marinig sa labas.
Haaaay...
Agad akong pumasok sa banyo saka naligo. Ang init kasi ng pakiramdam ko.
After kong maligo ay naisipan kong mag lakad-lakad muna sa labas kqya mag suot lang ako ng shorts na above the knee tapos isang baymax na t-shirt at sapatos. Lalabas na sana ako ng kwarto ng maisipan kong mag suot ng itim na sumbrero.
Pag baba ko sa sala nakita ko si Grace na nanunood ng tv.
"Alis muna ako. Paki sabi kay yaya na alia lang ako saglit. " sabi ko saka dumukot nung piatos na kinakain nya.
"Oy wag ka nga! Bili kang sayo!" angal nya at inilayo yung Piatos sakin.
"Ang damot mo! Yan na nga lang hinihingi ko pinag dadamot mo pa! Konteng bagay na nga ayaw pa ibigay. Sege lang sanay na ako." humugot ako saglit saka tinalikuran sya.
"Wag mo ko hugutan! Gaga to. Oyyy! San ka pupunta?" tanong nya bago pa ako makalabas ng pinto.
"Sa lugar kuna saan di ako masasaktan!" sigaw ko saka lumabas ng bahay.
Narinig ko pang may sinigaw pa si Grace pero di ko maintindihan. Kaya lumabas na ako ng gate.
Mag lalakad lang ako palabas ng subdivision. Since maaga pa naman at safe naman dito sa subdivision namin. Tapos phone lang at pera yung dala ko. Walang wallet. Nilagay ko lang sa bulsa para no hassle.
Mmmh...
Saan kaya ako pupunta?
Sa mall na lang kaya.
Uo dun. Kakain ako ice cream!
*3*
ICE CREAAAAM!
Sa kabilang gate 3 ako dadaan para mas malapit lang yung mall. Isang sakayan lang ng jeep. Di kasi ako nag tataxi kasi baka demonyo masakyan ko't san pa ako dalhin. Kaya sanay akong mag jeep. Minsan lang kasi ako nag papasundo driver namin. Kung nag papasundo man ako for sure kasama ko si Grace. Ayaw na ayaw kasi nun na mag jeep.
Habang paliko ako sa kabilang kanto kaai sa dulo nun ay ang gate 3 na at may madadaanan kang lumang park.
Medyo madamo na pero buo pa yung mga palaruan nya. May swings pa, seesaws at slides ang nan dun. Wala nang nag lalaro dun and I don't know the reason why kaya madamo na yung park syaka di na binigyan ng pansin upang linisin ng subdivision developer kaya ayan ang itsura.
May nahagip ang mata ko.
May lalake dun sa may dulo ng slide. Nakaupo ito at parang may tinitignan sa lupa. Di ko makita ang mukha nya dahil sa mahaba ang mga damo at yung ulo nya na tatabunan ng isang poste ng slide.
Nakasuot sya ng maroon na jacket at naka short.
Di sya gumagalaw. Kaya naintriga akong lapitan.
YOU ARE READING
I am in Trouble with a NERD
Teen FictionSuplado Cold Maarte Anti-social Bipolar Matalino In short... NERD! Falling in love with him in an unexpected time. Saklap! Di ko inakalang malaki pala magiging epekto sya sa buhay ko... He's the only nerd that make me bobo at all...