Chapter 5
GABRIEL’s POV
Hinabol namins si Louie pagkatapos nyang magwalk out kanina. Ang bilis naman maglakad nun -__- nasaan na kaya yung bulinggit nay un -___- Habang palakad lakad ako ditto sa may hallway ng 2nd floor ay sa di kalayuan may nakikita akong babae na umaakyat sa may puno ng acacia, partidang nakapalda pa sya ah x) teka! mukhang si Louie ata yun ah mapuntahan nga. Nakakatuwa syang tignan habang umaakyat ng puno, mukhang bihasa na ah haha parang tarsier lang ang itsura nya dun x) Kaya nung nasa ilalim na ako ng puno ay agad ko syang tinawag, kaso nagulat sya kaya muntikan na syang mahulog, whew! Buti na lang nakakapit agad sya sa mga sanga. Nung pinapababa ko sya eh ayaw nya nag enjoy ata sa pagiging tarsier -__- at tinataboy pa ako -__- kaya sabi ko babantayan ko muna sya habang hindi pa sya bumababa, ang kulot naman nito -___- nang bigla syang nahulog….. kaasar naman sabi ko na nga ba eh, kaya agad akong kumilos para saluhin sya. Pagkasalo ko sa kanya eh, tumba din ako… mabigat din naman pala tong batang toh x) di lang halata haha x) tapos parang batang natutulog kasi pumikit pa… hmm makijoin na rin ako kunwari tulog din ako haha x). At yun na nga ginigising nya ako. Ano kayang gagawin nito? Di nya daw ako kayang buhatin haha x) naaramdaman kong natataranta na sya tapos sabi nya iiwan na lang daw nya ako?! Paano ko nalaman? Nababasa ko nasa isip nyan eh haha x) nagaalala na sya sa akin… uiiii ang sweet naman pala nito kahit ang sungit sungit sa akin eh sweet din naman pala… minsan nga lang haha x) Lumipas ang ilang minute eh hindi na nya ako kinukulit, ano kayang pinagkakaabalahan nun? Kaya medyo dinilat ko ng kaunti ung mga mata ko para Makita kung ano ang ginagawa nya. Tahimik lang syang nakaupo sa tabi ko habang may pinapanoud, alam kong kahit mukhang naeenganyo sya sa pinapanoud nya eh halata pa ring malungkot sya. Kaya bumangon ako at pinatong ang kaliwang braso ko sa mga balikat nya, nangangalay eh dahil kanina nung nagprapractice kami, nakatayo akong tumutugtog kaya yun nangalay tuloy. Tumingin sya sa akin kaya nginitian ko sya at yung reaksyon nya nakakunot ang noo haha may wrinkles hahahaha x) joke lang :) Nag usap kami at tinanong ko kung may problema ba sya. Sinabi naman nya sa akin ang dahilan kung bakit natrauma na sya kaya ayaw na nyang kumanta sa harap ng maraming tao. Kaya pinayuhan ko sya na harapin ang takot nya sa pagkanta para hindi na sya nagkakaganyan, napa English tuloy ako ng wala sa oras haha x). Nag thankyou sya at ngumiti… yan, yang ngiting yan may naaalala tuloy ako dyan.
“Halika na nga balik na tayo dun” sabi ko sa kanya habang hinihola ko sya para tumayo
“Ikaw na lang”sabi nya
“Ehh… alam mo nalulungkot kaya yung mga kaibigan mo kapag nagsusungit ka ng ganyan” sabi ko
“Alam ko, wala na ko sa mood eh kaya nagsusungit ako”sabi nya
“Si Bhie nga eh mukhang nag aalala na sa iyo yun baka isipin nun na sya ang may kasalanan kaya nag walk out ka kanina” sabi ko sa kanya
“Hayyy -___- ayoko naming malungkot yun wala naman syang kasalanan”sabi nya
“Oh ano? Halika na?” sabi ko sa kanya
“Fine… okay… halika na nga for sure kanina pa tayo hinahanap nang mga yun” sabi nya, kaya sabay kaming naglakad papuntang music room
ANDREW’s POV
“Oh andyan nap ala sila eh” sabi ko ,Agad na pinuntahan nila Bhie at Vj si Louie at nag group hug pa haha parang isang taong di nagkita eh noh, napansin ko na ackward tuloy si Gab
“Hoy! Gab saan kayo galling? Ikaw ah haha x)” pang aasar ko sa kanya
“Pauso ka talaga, Drew syempre di ko sya aagawin sa iyo noh x)” sabi nya sa akin