Louie's POV
Nararamdaman kong parang may gumagalaw sa pilikmata ng kanang mata ko. Ano ba yan nakakakiliti ah! pisti! may natutulog dito eh! >_< haayyy hindi ko nalang papansinin titigil din naman yan sa pangiistorbo sa akin -___-. Kaso mukhang nasiyahan sya sa panggagambala sa akin. Kaya hinampas ko yung kamay nya pero hindi parin ako dumidilat tinatamad pa ako eh x)
"Ano ba.... natutulog eh..!" sabi ko Narinig kong tumatawa sya kaya hindi ko parin sya tinitignan
"Pisiti! anuber! dun ka nga" sabi ko Kaso hindi pa rin natinag! babanatan ko na toh! pigilan nyo ko haha x) babantaan ko na nga lang X)
"Pag hindi mo ko tinigilan.... mamamatay ang..." anu bang magandang idugtong dito? hmmm... alam ko na! "isang kuko mo sa paa" sabi ko
"Hahaha parang di naman mangyayari yun" sabi nung nangbwibwisit sa akin
"May chance naman ah... kukuha ako ng malaking bato mamaya para sa paa mo" sabi ko
"Asus.. sa payat mong yan? parang after ten years pa bago mo mabuhat yung bato ang payatot kasi...potie! hahaha XD" sabi nya.. Hay naku! makadilat na nga para mabatukan kung sino man tong nangungulit sa akin. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Medyo malabo pa ang paningin ko pero may mukhang nakangiti akong nakikita.
*Dug...dug...dug...dug...dug...*
Lumakas ang tibok ng puso ko... na parang bglang tumahimik ang lahat at ito lang ang tangi kong naririnig habang tinitignan ko ang medyo malabong mukha na nasa harapan ko. Unti-unting lumilinaw ang paningin ko kaya nung luminaw na ay di ko maiwasang tumingin sa mga mata nya. Nararamdaman kong lalong bumibilis ang tibok ng puso ko! Halaaaa!!! aatakihin ata ako x) ang abnormal din nitong puso ko eh! hindi maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Teeeeekaaaa!!!! parang kilala ko tong mga matang to ah.. naalala ko tuloy yung nangyari kanina... nung sinalo ako ni Gab. Shemay ano toh? staring contest?! eh di si ano toh....
"Whaaaaaaaa!!!" napasigaw tuloy ako habang napapayuko na rin.. nakakahiya!
"Hoy! anyare sayo? bakit ka sumigaw?" sabi nya
"Nakakatakot kasi eh haha x) binabangungot ata ako, nakita kasi kita hahahaha XD" sabi ko. Kaya nabatukan nya tuloy ako... pak!
"Bangungot ka dyan -____- ang cute nga nung katabi mo eh" sabi nya
"Sino? yung puno? oo nga cute yung puno haha x)" sabi ko habang hinahaplos-haplos ang puno
"Tae ka talaga! hmmmp!" pag-iinarte nya
"Utot ka naman! hahaha " pangaasar ko sa kanya. Nagtawanan kamingdalawa dahil sa may kalokohang pinagsasabi namin x). Kaya masarap tong kasama eh, kahit inaasar ako ay di ka naman mabobore. AT masaya din kasi syang kakulitan kasi may pagkaisip-bata sya, habang ako parang bata at parehas kaming makulit pero mas malala ang kakulitang taglya nya... equals.... SABOG! as in sabog na sabog talaga x) kasi umaabot hanggang usapang banyo ang mga topic namin. Kaya medyo umayos na rin ang pakiramdam ko dahil naitawa ko na ang sama ng loob ko kanina. Anong nangyari kanina? yun ba ang tanong nyo? haayyy... may natanggap kasi akong bouquet kanina.. galing kay Calvin, ang kapal ng mukha noh?!? pwes! nagkakamali sya! hindi na ako ang dating Louie na nakilala nya... matagal ko na syang kinalimutan... dahil naglevel-up na ako mga teh! Ako na yung Louie 2.0! hahaha x) Im not that gullible and stupid enough to fall for his tricks again! yes english! nose bleed x) mas wais na toh pagdating sa ganyan mga tsong! pero malakas talagang makapanira ng araw yung lalaking yon eh -___- basta kahit anong may koneksyon sa kanya ay iniiwasan at hindi ko pinapansin. Masakit kasi eh.. sa tuwing naaalala ko sya talagang masakit sa puso... tapos partida pang masama ang pakiramdam ko ngayn.. torture :( Alam nyo yung feeling na pwede bang mahimatay muna? kahit isang oras lang? hahaha kanina ko pang gusto nang ganung eh kaso nung mga oras na babagsak na ko ay.. may sumalo sa akin. Pakiramdam kong sinalo ako ng isang anghel, para kasing tumahimik ang buong paligid at dito nagsimulang kumalma ang pusot isipan ko na kanina pa stress na stress. Dito ko rin naramdaman ang kapanatagan yung ligtas ka at walang pwedeng manakit sayo. Masasabi ko ring ang bait nung sumalo sa akin kasi kung hindi nya ako sinalo siguro lumipas muna ang ilang minuto,bago may makapansin sa akin dito. Nacurious tuloy ako kung sino tong mabait na sumalo sa akin. Kaya nung lumingon ako sa kanya ay tumambad sa akin ang isang mukha at ang mga mata nito ay nakatingin lang sa akin ng diretso. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata nya pero hindi ko rin maiwasang tumingin din sa kanya. Anebeyen nakakamesmerize ang mga mata nya >_< hindi tuloy ako makaiwas ng tingin! ang sarap kasing titigan nyung mga mata nyang nakakaloko >_< sino ba kasi tong nasa harapan ko, yan ang naisip ko. Pamilyar ang mukha nya.... whaa!!! oh my gosh! totoo ba tong nakikita ko?! si Barbers ba toh?!? whaaaaa!!! >o< nakakahiya! kaya napatayo tuloy ako bigla at napayuko na lang sa sobrang kahihiyan. Palagi naman akong ganito eh -___- si "yuko girl" yuko ng yuko lalo na pagnahihiya. Nagulat nalang ako nung bigla nyang hinablot ang kamay ko at hinila para maglakad papuntang clinic. Nung oras na yun ay nagsimula nanaman ulit na makipagkarerahan ang tinok ng puso ko sa sobrang bilis. Naabno na talaga tong puso ko >_< parang gusto ng lumabas eh! hindi ko talaga sya maintindihan. Pwedeng mag time-out muna? masama na nga ang pakiramdam ng tao eh tapos nagkakaganto pa -__- kaya sinabi ko kay Gab na sa mini forest nalang kami pumunta mas tahimik kasi dun at relaxing ang atmosphere dun para makapagrecharge naman ako. Naubos ang natitira kong energy kanina dahil sa bwisit na pusakal na yun. Ang dapat na ginagawa sa mga kapal muks na tulad nya ay inilalagay sa isang malaking box at ipadala sa North Pole para manigas sa sobrang lamig... yan! haha!