Chapter 9
Louie’s POV
Sa buong oras na nandito ako sa loob ng classroom, ay may mapapansin kang kakaiba sa akin. Halos lahat ng mga kaklase ko na nakikita kong nakatingin sa akin ay nakakunot ang noo o kaya nakangiti na nagpapahiwatig ng “alam na”… so? Naiisip nyo ba ang naiisip nila??? Alam kong may toyo ako minsan pero bakit ba nagkajaganto ako? kaloka -__- ayoko ng ganito! Kaso hindi ko mapigilan eh… ang lakas makapagpangiti sa aking face X) mukha tuloy akong may saltik dito! Hanggang sa naudlot ang mga naiimagine ko dahil sa isang chalk……..
“Miss Bargola! Are you paying attention to our lesson?! Kanina pa kitang nakikitabg pangiti ngiti dyan… being inlove is a dangerous thing remember that.” Sabi ni Maam Toco, Huh? Inlove? Agad-agad? Pwede bang inspired lang X) tapos ano ba tong si Maam binato pa ako ng chalk sa noo, ang sakit ahh. Tawanan tuloy ang buong klase, eh di nakitawa na lang din ako kasi bawal mapikon baka pagmulan pa ng badvibes saying ang goodvibes. Ilang Segundo nalang ay mag uuwian na…
“Okay class that’s all for today and your assignment is to read the story of “The Ambitious Guest” class dismiss” sabi ni Maam Toco. Saktong sakto na pagkatapos magsalita ni Maam ay tumunog na ang bell, kaya agad akong nag ayos ng gamit para makaalis agad. Habang inaayos ko ang mga libro ay pumunta sila Bhie at VJ sa pwesto ko
“Hoy! Ate bakit parang nagmamadali ka dyan? Excited ba magpractice?? Kakain pa kaya tayo.” Sabi ni VJ
“Eh dun nyo na ako puntahan dun sa may tambayan natin sa ibang ruta ako dadaan baka makita ako nung pusakal eh -__-“ sabi ko
“Ate effort na effort ka naman sa pag iwas, kawawa naman si Kuya Calvin nyan.” Sabi ni Bhie
“Naaasar kasi ako kapag nakikita ko sya, kaya mas mabuting umiwas nalang ako para iwas badvibes.” Sabi ko
“Wushuuuu iwas kasi may something parin X)” sabi ni VJ
“Anong something ka dyan?! Wala na noh” sabi ko
“Wehhh muling ibalik :”>” sabi ni VJ
“Wag nalang nakakadiri X)” sabi ko, eh kumanta ba naman sya kaya binanatan ko na rin x), tawanan tuloy kami sa kalokohan namin.
“Ate speaking of that person, mukhang paparating na ata dito sa room.” Sabi ni Bhie… Napatingin tuloy ako sa may direksyon na tinitignan ni Bhie. Oh my gosh! Nandyan na nga si pusakal! Hay naku naman! Napakaconsistent talagang mangulit ng lalaking to -____-
“Ano ate? Kausapin mo na :”>” sabi ni VJ
“Oo nga naman ate” sabi ni Bhie
“Okay fine! Makikipag usap na, kita kits na lang tayo mamaya ah bye.” Sabi ko sa kanila. Lumakad na akong palabas ng room kung saan sa labas pinagkakaguluhan ng mga girls si Calvin. Andaming nagpapapicture sa kanya hindi ako makasingit para kausapin sya, kaya hinintay ko nalang na makaramdam sya. Alam nyo yung kapag tinitignan mo ang isang taong hindi naman nakatingin sa iyo eh makakaramdam iyon at mapapatingin din sa iyo? Try ko nga dito malay mo effective X) Kaya tinitignan ko lang sya habang dinudumog sya ng mga kababaihan dito. Okay…. Mga nakasampung minute na ako dito kaya aalis na nga lang ako sa ibang araw ko nalang sya kakausapin.. haha biglang umurong eh noh?
Kaso masikip talaga dito eh ayaw magpadaan? Nabibwisit na ako ah.
“Excuse me po, miss excuse po… makikiraan lang po.” Sabi ko sa nasa harapan ko. Kaso hindi naman ako pinapansin -_- ano toh? Stranded na ang peg ko dito.?! Anuber nagugutom pa naman ako -___- Tapos ang ingay pa! hay buhay! Paano na ako makakaalis dito T.T Biglang nagsitilian yung mga babae dito, ewan ko kung bakit pero ako naghahanap ako ng paraan para makaalis na dito. Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko! Ay! Palakang bebot! Sino naman yun?! Nakakagulat ah bigla bigla na lang manghahawak ng kamay >_< Napalingon agad ako sa likuran ko at dun nakita si na si Calvin pala yun. Kinakabahan tuloy ako! hindi dahil sa kinikilig ah… kaba dahil sa takot.