And now it's over

9 0 0
                                    

"Alam mo, bilib na sana ako sa'yo eh. Napakatalented mo, napakagwapo mo, napakabait mo, lahat na eh. Bilib ako sa'yo kasi kaya mong gawin lahat, kaya lang bakit 'yung mahalin ako katulad ng pagmamahal ko sa'yo, hindi mo magawa? Nagawa mo na akong paasahin at saktan ng ilang beses eh, pero bakit kahit konting pagmamahal, hindi mo man lang maibigay?

Sawang-sawa na ako sa lahat ng sakit at kahihiyan na naranasan ko dahil sa'yo, alam mo ba 'yun? Kahit na feeling ko sinusuntok na ako ng isang libong tao sa sobrang sakit, ang tanging ginagawa ko, eh hayaan silang gawin 'yun. Kasukdulan na nga daw 'yung katangahan ko sabi ng mga kaibigan ko eh. Kasi sa kabila ng lahat ng 'yan, hindi pa rin kita kayang iwan, hindi pa rin kita kayang i-let go.

No'ng una hindi ko ma-realize 'yung sinasabi nila sa'kin pero alam mo, ngayon, pakonti-konti nang namumulat 'yung mga mata ko sa katotohanan... sa katotohanan na hindi mo naman talaga kayang suklian 'yung lahat ng ibinibigay ko sa'yo. Sawa na ako, Reg, sawang-sawa na.

Hindi ko na hinihiling ang pagmamahal mo, ang hinihiling ko nalang sa'yo ngayon, ay 'yung palayain mo na ako. 'Wag mo nang iiyak sa'kin na 'wag kitang iiwan, na 'wag akong aalis. Please, just please. Tigilan na natin 'yung paglolokohan, tigilan mo na panloloko sa'kin, titigilan ko na rin panloloko sa sarili ko. Ito nalang hinihiling kong birthday gift sa'yo Reg, sana naman mabigay mo na sa'kin 'to. Sana naman, magawa mo 'to para kahit papa'no, bumilib pa rin ako sa'yo."

Messaged sent.

And now it's overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon