PETER PAN

4 0 0
                                    


Mga mukha kaming mga tuta nila Rhea habang titig na titig kay Alexandra sa pagbibilang ng perang pinaghirapan namin makapunta lang sa concert ng mga asawa namin.

"30,000!" Masayang pahayag ni Alexandra matapos bilangin ang pera. Lahat naman kami ay nanlaki ang mata!

"Ows? Jinjjaro?" Sambit naman ni Keith.

Saan namin nakuha ang ganong kalaking pera? Nangdekwatt kami. Pero syempre, joke lang 'yon. Nagtrabaho kami 'no. Mag coconcert kasi rito ang mga asawa namin--ang EXO. Syempre, gusto naming makita ang mga biases namin. Ang CHANKAISOO ko. Lalo na si Dyo. Kaso naman, ang mahal ng ticket! 12,000? San kami kukuha noon? 2nd year college pa lang kami 'no. At saka hindi naman kami bibigyan ng ganong kalaki na pera ng mga magulang namin.

Buti nalang may banda kami. Kaya ayon! Nagsimula kaming mag trabaho noong January at katatapos lang ngayong last week ng March sa isang restaurant.

Sa april na raw kasi ang labas ng ticket, e ilang araw nalang naman abril na.. Buti nalang natapos namin ang trabaho namin bago ilabas ang ticket, dahil panigurado mauubusan kami. Wala namang problema dahil umaga naman ang klase namin tas gabi ang tugtog namin sa restaurant na pinagtrabahuhan namin.

Although, minsan hirap sa pagmamanage ng time, pero nakaya naman. Syempre! Isang tingin lang sa poster ni Dyo sa kwarto ko, tanggal lahat ng pagod.

"Edi paghatian na natin," inaantok na komento naman ni Alexis habang humiga na ng tuluyan sa kama ko. Dito kasi sila matutulog sa bahay ko dahil masyado na ring gabi at dahil na rin kauuwi lang naming galing trabaho. Isa pa, wala na namang pasok.

"Ikaw maghati, Bell." Sabi naman ni Rhea kaya agad na inabot naman ni Alexandra sa akin ang pera.

Hinati ko iyon sa lima kaya meron na kaming 6,000 isa isa. Wala namang problema sa kulang dahil may ipon na kami tapos papadagdagan nalang namin sa mga magulang namin.

Agad na tumayo sa higaan ko ang mga ito at itinabi na sa mga bag nila ang perang napaghatian namin. Yung sakin naman ay inilagay ko nalang sa drawer sa tabi ko.

"Matulog na tayo.." Inaantok na sabi ko na rin sa kanila. Buti nalang wala si Ate--nasa maynila, kaya magagamit namin ang kama niya.

Katabi ko si Alexis sa kama ko habang sila Keith, Alexandra at Rhea naman sa kama ni Ate.

Papikit na sana ako nang biglang magsalita si Keith sa kabilang kama.

"Guys? Wala ba kayong nakakalimutan?" Takang tumingin naman kami sa kanya. Kita namin siya dahil hindi naman nakapatay ang ilaw.

Ano nanamang nakalimutan?

"Nagpray na ako. Ewan ko sa inyo kung nag--" Sabi naman ni Alexis sa tabi ko.

"Tanga hindi iyon," nakangiwing putol naman ni Keith kaya napaupong tumingin ako sa kanya na ginaya rin ng tatlo.

"Ano ba kasi 'yon?" Tanong ko habang wala naman siya ng sinagot kundi tumingin lang sa pader kung saan may mga poster ng Exo.

Nanlaki naman ang mata naming lahat pwera lang kay Keith na nakangiwi lang.

"How could we?!" OA na sambit ni Rhea at sabay sabay naman kaming tumayo saka lumapit sa mga poster!

"Ohmy! I'm sorry Suho! I forgot to give you a goodnight kiss!" Tila naiiyak na sabi ni Alexandra sa poster ni Suho. Sa tabi naman nito ay si Alexis na hinahaplos haplos pa ang poster ni Baekhyun.

"Baekla! Goodnight na jagiya! Saranghaeyo! Wag kang mag alala pag naubusan ka ng eyeliner, ibibili nalang kita! Sa bag ko naman, maraming lapis." Binatukan naman siya ni Rhea na nakikipagtitigan kay Luhan.

EXO's ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon