PETER PAN <3 TINKERBELL!

3 0 0
                                    


Hindi ako makapaniwala na nandito na ako ngayon. Inilinga linga ko pa ang aking paningin sa maraming taong naririto rin sa Incheon Airport. Napangiti naman ako ng bahagya.

This is really a dream come true!

"Tara na, Bell." Nilingon ko si Kuya nang magsalita siya. Nauna na itong naglakad papalabas sa airport kaya sumunod na ako.

Nang makalabas kami ay nandoon na kaagad sila Tita. Agad kaming sumakay sa kotse niya at dumaretso sa bahay nila.

It's been 10 months nang magconcert ang Exo sa pilipinas noong May nung isang taon dahil March na ulit ngayon. At 4 months naman nang ikasal si D.O noong nakaraang november.

Masaya kong tinanaw ang lahat ng madadaanan namin. Akala nyo dito na ako titira, ano? Ang totoo kasi niyan, magbabakasyon ako rito. Matagal ko na kasing pinipilit si Kuya na isama ako rito kahit bakasyon, na ngayon niya lang inupad. Dito kasi siya nag aaral. Hindi pa nila bakasyon pero pumunta pa siya sa pilipinas para sunduin ako. Ang sweet niya hindi ba?

Nang makarating kami kila Tita Mich na tinutuluyan niya dito sa Korea ay inayos ko na kaagad ang mga gamit ko sa guest room. Napagpasyahan ko na lumabas kahit hindi ko pa masyadong alam itong Korea. Nag ayos ako ng sarili at nag paalam kila Tita para mag gala gala.

"Samahan na kaya kita?" Sabi pa ni Kuya.

"Ano ka ba Kuya, hindi ako makakapag enjoy niyan." Sagot ko naman.

"Hayaan mo na ang kapatid mo, David. Malaki na siya." Singit naman ni Tita galing sa kusina. Nginitian ko naman ito at saka nagpaalam.

Nagpunta ako sa isang restaurant at doon tumambay. Umorder rin ako nang tteokbokki para makain ko. Habang sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may biglang tumabi pa sa akin. Nakahoodie ito na naka cap at nakashades pa. Yung totoo, anong meron?

Nang makahalata niya akong nakatingin sa kaniya ay umupo ito sa tabi ko. Magsasalita pa sana ako at aangal nang mapansin kong wala na palang table kaya pinabayaan ko na siya. Mukhang harmless naman siya e.

Habang masayang kumakain nang hindi iniintindi ang katabi ko ay biglang bumukas ang T.V na nasa restaurant. Ipinakita ang Exo roon. Syempre natuwa ako kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila. Isa isa silang nagsalita hanggang si Kai na.

"Just fucking don't talk, Kai. I just hate you," mariing sabi ko na ikinalingon sa akin ng katabi ko. Narinig niya pa yata ang sinabi ko.

"Why do you hate that Kai that much?" Sabi niya pa. Wow! Marunong mag english!

Kahit hindi ko naman siya kilala ay sinagot ko pa rin ang tanong niya.

"Because he is a jerk! He is really damn rude, man." Sabi ko habang tumatayo dahil tapos na naman ako kumain at isa pa ayoko nang makipag usap sa hindi ko naman kilala.

Pagtayo ko naman ay agad rin itong tumayo at hinatak ako.

"Hey! What are you doing?! Let me go! Hey! I'm gonna shout--"

"Shut up, Tinkerbell." Sagot niya na ikinalingon ko sa kaniya.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?

At nang dahil mukhang kilala niya naman ako ay nagpahatak nalang ako sa kaniya. Huminto kami sa mga street foods.

"Hey! Are you crazy? Why did you drag me here?! What--" bigla na naman niya akong sinubuan ng hindi ko alam na pagkain kaya nginuya ko nalang pero nang tignan ko kung saan niya iyon nakuha ay gusto kong isuka pati ngala ngala ko!

Mulkang bee! May pakpak pa! Jusme parang ipis na nasa stick!

"Just shut up, and accompany me." At saka niya na naman hinitak ako kaya wala na akong nagawa.

EXO's ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon