MIRACLES IN DECEMBER

4 0 0
                                    


Dala dala ang mga pagkain sa tray na pumasok ako sa kwarto ko. At pagbukas palang ng pinto ay bumungad na ang nakangiting mukha niya sa akin.

"Good morning Hon," bati ko pa sa kanya. Naglakad ako papunta sa kama ko, kung saan siya nakaupo, "Kain na tayo?" Alok ko pa sa kanya pero tumango lang ito, "Tara na, susubuan kita." Nakangiti kong paanyaya ulit sa kanya pero umiling lang siya.

"Ayoko nga! Diet ako 'no." Nakangusong sabi niya pa.

"Para namang pumapayat siya? Oh, come on, hon!" Sabi ko pa pero umiling iling lang ulit siya.

Hindi ako sumuko at kinulit ko pa rin siyang kumain pero ayaw nya talaga. Kaya in the end ako nalang ang mag isang kumain habang nasa tagiliran ko lang siya na pinapanood lang ako..

Pagkatapos kumain ay bumaba muna ako sa kusina para ilagay doon ang pinagkainan ko.

"Hon, gala tayo!" Masiglang sambit ko pa sa kanya pagkabalik ko sa kwarto.

Ngumiti naman ito, "Saan? Eh kagigising lang natin, tas hindi pa tayo naliligo!"

"Edi sa lagi nating pinupuntahan! Okay na 'yan! Tara na!"

Nakita ko naman itong tumayo na..

"Tara na nga!" Sabi nya pa na parang napipilitan lang. Bahagya pa siyang bumungisngis na nakapagpangiti rin sa akin.

'Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kapag sumasaya ka.'

Habang naglalakad ay naguusap pa kami.

"Dapat magdala tayo ng pagkain!" Sabi pa niya.

"Alam ko na, mamili nalang tayo." Sagot ko naman at nginitian siya.

"Okay,"

"Bilisan mo naman maglaka--"

"Jeonmyeon?"

Nilingon ko naman kung sinong tumawag sa akin.

Si Kuya.

Nginitian ko ito, "Why?"

Nakita ko namang napailing ito.

"Aano ka?" Tanong niya pa.

"Sa park lang na palagi naming pinupuntahan ni Angela. Babalik rin naman kami kaagad mamaya." Nakangiting paalam ko pa.

Malungkot na tinignan nya naman ako na parang may mali sa akin.

Gusto ko sana siyang tanungin kung anong poblema. Pero dahil excited na ako sa pupuntahan namin ay nagpaalam nalang ako sa kanya.

"See you later!" Sabi ko bago tuluyang maglakad ulit at makalabas sa bahay namin.

Agad kong pinagbuksan ng sasakyan si Angela at nakangiting tumakbo sa kabilang side ng kotse ko.

We went straight to Jollibee after leaving my house. She wanted to go with me inside but I didn't let her to. It's just a matter of time, you know. And besides she's my princess and I don't want her to get tired.

After that, I excitedly drive into the place where we were always at. And when, we finally got there, I saw her excitedly going out my car but I stopped her and I insisted to open the door for her.

"Wait for me, please." tsaka mabilis na bumaba ako para pagbuksan siya ng sasakyan.

"Thank you," nginitian ko na lamang siya.

EXO's ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon