Chapter 3

619 12 0
                                    

Pagkatapos ibinaba na nila ako sa tapat ng malaking bahay dahan dahan akong bumaba sa sasakyan at pumasok na sa loob ng bahay inilibot ko muna ang mga mata ko para makita ang kabuuan ng bahay ni Tita Marie.

Bigla naman akong nakaramdam ng uhaw at gutom nang dahil siguro sa mahaba haba kong pag b-byahe papunta dito.

Hinanap ni Nathalie ang kusina sa malaking bahay upang uminom at humanap ng kaniyang makakain.

Ng makita na niya ang kusina inilibot niya muna ang kaniyang mga mata na para bang manghang mangha ito sa sobrang laki ng kusina ng makakuha na siya ng kaniyang iinumin at ng kaniyang makakain isinara na niya kaagad ang ref. Ng papaalis nalang siya may nabungguan siya na para bang matigas na kung ano.


"And who the hell are you? Why are you here in my house!?".

" Ow fuck!". Bigla kong nahulog yung baso'ng hawak hawak ko na may lamang tubig ng dahil pagkagulat ko sa nakita kong lalaking matangkad, matipuno, maputi, gwapo? pwede na, hanggang napunta ang mga mata kong makasalanan sa bandang katawan niya at napansin ko ang bakat na bakat na six pack abs niya infairness nag wo-work out yata to. Ang tanong ko lang sino kaya siya? Siya ba yung sinasabi nilang Nathan? Or yung Liam?.

Nang bumalik na ang pagkatao niya napatangin siya sa baso'ng hawak hawak niya kanina na ngayon ay nagkapira-piraso na sa sahig, nasugatan ang dalaga at nag du-dugo na ang kaniyang bandang paanan na tinamaan sa mga nagtilamsik na parte ng baso.

Nagsalita muli ang lalaking nabungguan niya "I said who are you!? And why are you doing in my house!?". galit na galit niyang sinisigawan ang dalaga.

Naiiyak na ang dalaga sa pasigaw sigaw ng lalaki at nang dahil na din sa sugat niyang natamo kanina. Napansin naman ng lalaki na naiiyak na ito at may bigla siyang naramdaman na para bang naawa siya sa dalaga.

"What is your name?". Cold na tanong niya na para bang uminahon na siya.

Hindi makasagot ang dalaga dahil nanginginig na ito sa sakit ng kaniyang nararamdaman.

"Please tell me your name, I'm sorry for what I act a while ago, just tell your name".

"Paige". matipid na sagot ng dalaga.

"Yun lang naman pala eh. Sorry lang naman yung kelangan mo para sabihin mo yung pangalan mo, pinahirapan mo pa'ko!". sabay walkout.

Pumasok naman sa kusina ang matandang nakasuot ng bestida nabigla ito ng makita ang dalaga na nakaupo na sa sahig at umiikbi kumaripas ito ng takbo papalapit sa dalaga.

"Anak! Nathalie anong nangyare sayo? Sinong gumawa nito? Papaano ka nasugat sa nabasag na baso'ng to?". Alalang alala ang matanda sa dalaga.

"Wala po, nahulog ko lang po yung baso".

"Ikaw talagang bata ka, tumayo ka nga jan!". Inalalayan niya ang dalaga para makatayo papunta sa kwartong gagamitin niya sa malaking bahay na ito.

Ang ganda ng pagkaka-kombinasyon ng kwartong pinasukan nila, ang lambot ng kama gaya din ng kaniyang kamang ginagamit noong nasa London pa siya kaso lang mas malaki lang ng konti itong inuupuan niya dahil pang single bed lang talaga yung kaniya.

"Oh anak ayos ka na ba? Masakit pa ba?".

"Okay na po ako, salamat po--".

"Manang, Manang Lei nalang itawag mo sakin Nathalie". ngumiti ang matanda sobrang saya nito, maliban sa lalake lahat ng kaniyang kasama sa bahay na ngayo'y may babae na, na para bang ngayon lang siya may nakasama na babae sa bahay.

"Magkasundo sana kayo ng mga anak ni Marie".

"Pwedi ko po ba kayobg matanong kung yung lalaking nakita ko kanina ay isa sa mga anak ni Tita?".

"Ah si Nathan ba? Oo siya ang bunsong anak ni Marie at ang isa nama'y nasa Greece siya naman si Liam, siya ang panganay na anak ni Marie na ubod din ng kagwapuhan".

"Mabait yung batang yon, ikumpara mo siya kay Nathan na minsan ay hindi mo maintindihan". saad ni manang lei kay nathalie.

"Halata naman po sa kaniya". naiinis na may halong sarkastikong pagbigkas sa matanda ni Nathalie.

"Lalo na yung kasintahan niya na lagi niyang dinadala dito sa bahay. Ay jusko po! Kung makautos yung babaeng yon kala mo siya yung pinagsisilbihan dito". galit na galit na pagk-kwento ng matanda sa kaniya.

"M-may girlfriend ho siya?". Nabiglang pagtanong ni Nathalie kay Manang para bang hindi ito makapaniwala na may kasintahan na ang binatang nabunggo niya kanina.

"Oo Nathalie higit pa sa isang taon na niyang kasintahan yon, ewan ko ba't nagtagal yung dalawang yon".

"Hayaan nalang natin sila, Ang dapat nating isipin ngayon ay ang maging masaya dahil nandito kana". Pahabol na salita ni Manang Lei.

"Ahh ha-ha Oo nga po".

---

Sorry po kung pinalitan ko yung mga nakasulat sa bawat part ng story ng LMA😅. Enjoy~

Living with Mr.Arrogant (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon