POV: Zepheneiah Reyes
"Gissiiiinggg!" Pambubulabog sa akin ni Aki.
"Bakit?" Inaantok na sabi ko.
"Anong bakit-bakit ka dyan hah?! Hoy! Anong oras na babaita ka. First day of class ngayon kung nakakalimutan mo..."
"Ohh shut up. I know. Tinatamad pa ako bumangon ehh."
"Alam mo pala tapos di ka babangon ng maaga?! Naku-naku, wag mo ako idadamay sa mga kalokohan mo Zeph ahh. Unang araw natin ngayon sa bago nating school tapos tinatamad kang bumangon? Hindi na toh tulad ng dati Zeph na kahit ma-late man tayo ng pasok natin ay ayos lang dahil kilala tayo at lalong-lalo na ang mga magulang natin. Baka nakakalimutan mo na kaya tayo lumipat ng school dahil sa kalokohang ginawa mo."
"Oo na, oo na. Tatayo na nga ee diba? Eto na oh, eto na. Gigisingin lang ako kelangan pang dumada."
"Ehh ang tagal-tagal mo kasing bumangon. Ohh 7:00 na may 15 minutes ka na lang para maligo at kumain. 7:30 start ng flag ceremony."
"Tss.."
"Nakapagluto na ako at tapos na din kumain, ang tagal mo kasing magising kaya na-una na ako. Sige, hihintay na lang kita sa baba."
"Pfft.."
Ligo.
Bihis.
Toothbrush.
Suklay.
Sapatos.
Kain.At paalis na kami ng bahay.
After how many minutes nakadating din kami sa bago naming school ang San Sebastian Highschool (SSH). Bale ngayon 3rd year highschool na kami ni Miyaki, sya yung bungangerang babaita kanina pero kahit ganun siya best friend ko yun not only best friend but also my cousin.
Di na namin na abutan ang flag ceremony kaya dumeretso na kami kaagad sa playground dahil dito tinipon-tipon ang mga new students like us pero kami lang yata ang 3rd year. Huhuhu. Halos mga 1st and 2nd year ang nandito. Kailangan daw na i-tour muna lahat ng newbies para di daw maligaw -.- . Daming arte ee. Bale kabisado na rin namin ang ibang lugar dito dahil naging exchange students kami ni Aki dito for 3 months.
Tour
Tour
Tour
Lunch time.Wala kaming ginawa ng buong umaga kundi ang maglakad mg maglakad. Kahit ni-request na namin ni Aki na hindi na sumama sa tour at magprocees na sa class namin ay hindi kami pinayagan. Required daw kasi na dapat lahat ng bago ay mai-tour ng maayos. Mas malaki ang SSA kumpara sa dati naming school.
Nandito kami ngayon sa canteen para maglunch. 1:00 papasok na kami sa class namin. 1st subject namin ngayon hapon ay Science. May 3 subjects kami ngayong hapon.
*riingg*
*riingg*
*riingg*Bell na. At papunta na kami sa room namin ng....
*BLAGG*
Ouch! Ang sakit sa pwet. Ano ba yung nabangga ko pader?
"What the?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Para kang basurang nakakalat kung saan-saan!" Sigaw nasabi sa akin ng isang lalaki.
"Tss, di naman kita mababangga kung tumitingin ka talaga sa dinadaanan mo ee. Kung alam mong mababangga kita odi umiwas ka. Basura ako, parehas lang tayo. Nakakalat ka rin kung saan-saan." Walang emosyon na sabi ko.
"Aba'y sumasagot ka pa?! Di mo ba kilala kung sino ako hah?!"
"Bakit pa ako mag-aaksaya ng oras ko para kilalanin ang basurang katulad mo?" At hinila ko si Aki at dumiretso sa room namin.
Nagsimula na ang mga bulungan pagkatapos nun.
"Bago lang siya pero akala mo kung sino na" Sabi ng isang babae na ang kapal ng lipstick.
"Di niya ba kilala kung sinong kinakalaban niya?" Pagpapatuloy pa ng isa niyang kasama.
-_-
Tss, mga walang magawa.
"Ayos ka lang ba Zeph? Ano ba yan kakapasok lan natin tapos parang may makakaaway ka na agad." Nag-aalalang tanong sa akin ni Aki.
"Tss, ayos lang ako. Ehh kasalanan ko ba na hindi rin siya tumitingin sa dinadaanan niya? Pfft." At nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.
Saktong wala pa ang Lecturer pagdating namin ng room. Balita namin masungit daw ang Lec. na ito.
May vacant seat sa likod na isa at pinili ko na doon na lang umupo dahil gusto ni Ari sa tabi ng bintana. Bale nasa harap sya ng katabi kong lalaki sa left.
Bumukas na ang pinto at pumasok na ang Lec. namin.
"Good afternoon." Bati nya sa amin.
"Good afternoon Miss." Nakangiting bati namin lahat.
Ewan ko ba kung bakit sinasabi nila na masungit daw ito ee mukha namang mabait. Sabi nya sa next meeting na lang daw siya magpapakilala.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Dismissal.Nandito kami ngayon sa parking lot para kunin ang kotse ni Aki.
Drive
Drive
DriveNakarating din kami sa bahay at umakyat agad ako sa kwarto ko para magpahinga. Ewan ko ba pero na pagod ako. Basto gusto kong matulog muna magpapagising na lang ako kay Aki pag kakain na.
****
Hello. Thank you for reading my story! :)
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend | O N G O I N G
Teen Fiction"Sinong pipiliin mo? Ako na iyong bestfriend o siya na boyfriend ko pero mahal mo?"