Zepheneiah's POV
'Gusto ko siya, pero mahal kita....'
'Gusto ko siya, pero mahal kita...'
'Gusto ko siya, pero mahal kita...'
'Gusto ko siya, pero mahal kita...'
Nagising ako bigla nang magpa-ulit ulit iyon sa aking isip. Ang buong akala ko ay nakalimutan ko na iyon pero hindi pa pala.
Hayy.
Whoo! Tama na ang drama!
Tumayo ako at dumeretso na sa CR para maligo. Binuksan ko ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig papunta sa aking katawan.
'Gusto ko siya, pero mahal kita...'
'Gusto ko siya, pero mahal kita...'
'Gusto ko siya, pero mahak kita...'
Kingina yan!
Bakit ba lageh na lang yan pumapasok sa isip ko!
In-off ko ang shower. At di ko namalayang unti-unti nang tumutulo ang aking luha.
"Ahhhh!!!" Inis kong sigaw habang sinusuntok ang pader. Tuloy pa rin ang aking paghagulgol.
"Zeph! Zeph! Ayos ka lang ba? Bkit ka sumisigaw Zeph?!" Tanong ni Aki habang kumakatok sa pinto. "Zeph may problema ba? Anong nangyayari diyan sa loob? Zeph?! Zeph?! Buksan mo ang pinto Zeph!" Mahahalata sa tono ng boses ni Aki ang pag-aalala.
Pinunasan ko muna ang luha sa aking mukha at nag-buntong hinga bago siya sagutin.
"Ahh, oo. Ayos lang ako Aki." Pinilit kong hindi mautal.
"May problema ba dyan Zeph?" Tanong niya.
"W-wala, a-ayos lang ako." Sa pagkakataong ito hindi ko na maiwasang mautal.
"Sigurado ka ba Zeph?" Sinusubukan ni Aki na buksan ang pinto ngunit hindi siya nagtagumpay dahil naka-lock iyon.
"Oo, lalabas na rin ako ng kwarto pagkatapos kong maligo." Tugon ko.
"Sige, tawagin mo lang ako kung may kailangan ka hah?" Narinig ko ang pag-lalakad ni Aki papalayo sa aking kwarto.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Inuntog ko ng dalawang beses ang aking ulo sa pader.
Magising ka sa katotohan Zeph. Hindi ka na bata pa para magpa-uto ng magpa-uto.
Kinalma ko ang aking sarili at muling ipinagpatuloy ang pagligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at gaya ng sinabi ko kay Aki, lumabas ako ng kwarto.
"Good morning Starshine!" Bungad ni sa akin ni Aki. At ngumiti ako lang ako sa kaniya. "Himala yatang lumabas ka ngayong sabado sa kwarto mo ahh?" Masayang taning niya.
Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto ko tuwing sabado. Kung lalabas naman ako ay may importanteng bibilhin lang o importanteng gagawin.
"Ayoko na kasing tumira sa lungkot na nararamdaman ko. Gusto ko ng magising sa katotohanan." Makahulugang sabi ko.
Ang ngiti niya kanina ay napalitan ng lungkot. Tumingin ako ng deretso sa kaniyang mga mata at mababasa mo roon na nag-aalala siya sa kalagayan ko.
"Well nice to hear that." Pilit na ngiti na lang ang kaniyang ibinigay sa akin at ganon din ako. " Kain na tayo." Yaya niya sa akin at dumeretso sa kusina.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend | O N G O I N G
Roman pour Adolescents"Sinong pipiliin mo? Ako na iyong bestfriend o siya na boyfriend ko pero mahal mo?"