POV: Marcus Areniego
Hi!
Hello!
(*^_^*)
Ngayon lang akoo dito. Hahaha.
Sana araw-arawin naman nung author. Tss.
Nga pala, I'm Marcus Arvin Areniego. 3rd year high-school.
Isa sa mga stock holder ng school na toh' ay ang mga grandparents ko. Kaya naman imbis na yung inaasahan kung pamumuhay dito na tahimik ay kabaliktaran ang mga nangyayari. Ang ingay, sobrang ingay. Pag-uusapan ka kahit saan ka magpunta.
Mas pinipili ko na lang ang mag-isa kesa yung meron akong makakasamang iba. Tss, ewan. Eh sa yun ang gusto ko ee.
Buset.
 ̄ˍ ̄
Papunta na ako ng canteen para mag-lunch pero....
"Whaaaa- andyan na si Marcus!!"
"Owwmay siomai. Araw-araw nadadagdagan ang kagwapuhan niya."
"Sinabi mo pa! Grabii, ang bango-bangooo niya! I swear!"
"Huhuhu. Marry me Marcus! Promise di ka magsisisi!"
Yan, yan ang mga sigawan ng mga babae tuwing makikita ako. Nakakainis, nakakarindi ang mga boses nila. Ampapangit.
Pumunta na ako sa line para um-order nang mapatingin ako sa bintana at nakita ko sa labas yung babaeng naka-usap ko kahapon.
Hindi ko maintindihan yung paki-ramdam dahil parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.
Not like the other girls, hindi sila papansin nung isang kasama niya.
Tila wala silang pake sa mga pinagsasabi ng iba.
"Sir ano pong order nyo?" Tanong nung cashier.
Nakitang kong naka-ngiti siya....sino na ba siya ulit? Ahh si Miyaki- si Aki.
Dahilan para mapangiti ako ng walang dahilan.'Basta nadala ako ng ngiti niya para mapangiti rin ako. Hindi ko mai-paliwanag pero may kakaiba sa ngiti nyang yun'
"Excuse me Sir?" - Cashier
Ayy ano ba? Ano ba?
Anong nangyayari sa akin?
"A-ahh?"
Bumalik ako sa reyalidad.
"Uhhmm, ano pong order nyo Sir?"
"Ahh isang set A lang." Sagot ko.
"S-sige po Sir, paki-hintay na lang po."
"Okay, thanks."
Umupo ako sa usual na inuupuan ko. Sa gilid na malapit sa bintana.
Mula dito sa kinau-upuan ko kitang-kitang si Aki.
Nakatingin lang ako sa kanya.
*TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG
*TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG
*TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG
*TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG
*TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUG
*TUG *DUG *TUG *DUG *TUG *DUGParang lahat sa gilid ko ay nawawala at ang tangi kong nakikita ay siya, siya lang. Bumabagal ang oras at ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
"Here's your order Sir."
(O_____o)
(>_____<)
Nagulat ako ng may isang babaeng inilapag ang order ko sa mesa.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend | O N G O I N G
Ficção Adolescente"Sinong pipiliin mo? Ako na iyong bestfriend o siya na boyfriend ko pero mahal mo?"