Tip #3

329 6 0
                                    

KUMAIN NG TAMA PARA GUMANDA

Maging mapamili sa mga kinakain mo. Wala namang masama na kumain ng marami lalo na kung paborito mong pagkain ang nakahain. Subalit tandaan na mahalaga ang pagpapanatili ng tamang diyeta upang maging maganda ang pakiramdam ng iyong katawan sa loob, at maging maganda ang itsura nito sa labas!

Kumain ng tatlong balanseng kainan. May mga taong nagpapalipas gutom sa pag aakalang makakatulong ito sa kanila na magbawas ng timbang. Ngunit ang totoo, ang pagpapalipas gutom ay nakadaragdag lamang sa problemang katabaan.

Kumain ng prutas at gulay araw araw. Umiwas sa pagkain ng mga naproseso at matatabang pagkain dahil sisirain lamang nito nito ang iyong sistemang panunaw.

Makinig sa sinasabi ng iyong katawan. Ang pagiging maganda ay hindi nangangahulugan ng labis na ehersisyo at pag didiyeta. Kung sa pakiramdam mo ay pagod na pagod ka para bang magkakasakit, pwede mo namang ipag paliban muna ang iyong skedyul. Mas maganda ang hindi muna pag eehersisyo kaysa namang pilitin moa ng iyong sarili kahit hindi mo kaya. Ang pagkakasakit ay maaaring maging dahilan ng hindi mo pag eehersisyo sa loob ng ilang mga araw.

Kung takam na takam ka sa ice cream, kumain ka nito. Mas mabuti nang kumain kaysa pagbawalan moa ng sarili mong kumain nang gusto mo. Pero tandaan, kailangan mo paring magkontrol sa pagkain ng matatamis.

Tips para gumandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon