PANGANGALAGA SA BALAT PARA GUMANDA
Bagaman ang sinasabing ang kagandahan ay hindi lamang nakikita sa makinis na kutis, dapat mo paring protektahan ang iyong balat. Magiging maganda ang pakiramdam mo kung malinis, malusog at makinis ang iyong balat. Ang regular nap ag hilamos gamit ang mga produktong hiyang saiyo ang susi sa magandang kutis sa mukha.
Kahit ano pa man ang iyong skin tone, huwag na huwag kang magbibilad sa araw. Kung sa tingin mo ay mabibilad ka sa pupuntahan mo, gumamit ka ng sun block na may SPF 15 o mas mataas pa. May mga taong nag iisip na hindi mo na kailangang mag lagay ng sun block kung medyo makulimlim naman ang panahon. Ang totoo, ang ultra violet rays na siyang nakakasunog ng balat ay mas mataas sa mga panahong hindi masyado maaaraw. Palaging mag baon ng sun block.
Uminom ng maraming tubig. Pag inom ng maraming tubig ay nakakapag palusog sa balat at ito ay lumalaban sa pagkatuyo at pagbabalat ng kutis.
Mag hilamos sa umaga at sa gabi bago matulog. Kung ang iyong balat ay oily, gumamit ka ng facial cleanser na babagay saiyo para maiwasan mo ang pagtubo ng nakakainis na tagyawat. Kung ang balat mo ay tuyo, gumamit ka ng cleanser na hindi gaanong matapang. Huwag kalimutang gumamit ng moisturizer.
BINABASA MO ANG
Tips para gumanda
RandomBasahin ito nang malaman mo kung paano gumanda! By:EpalNaLyz