Author's note: Eto ang kauna-unahan nobela na gagawin ko in Tagalog. Mashado kasi akong natuwa sa mga tagalog stories kaya gusto ko rin magsulat. Super inspired ako ngayon at baka eto na nga ang maging future ko. hahaha joke.
Prologue
Eto ang istorya ng isang babaeng nagngangalang Jackie Maria Romero. Mahirap, hindi kagandahan, super clumsy at magnet ng disaster at kahihiyan. Pinanganak pa lang siya, naexperience na niya ang disater sa buhay niya. Kahit wala pa siyang kamuwang muwang sa mundo ay alam na ng tao sa paligid niya na siya ay magkakaroon ng makulay at extraordinary na tadhana.
23 years ago....
Uwaaa! Uwaaa! Iyak ng isang baby na kakalabas pa lang sa tiyan ng magulang.
BOOOGSH!! May malakas na pagsabog sa kabilang operating room kaya naman dali daling lumabas ang mga nurs at doctor at iniwan na lang sa parang hugis planggana ang bata habang ang ina ay walang malay.
BOOOGGGS! Isa nanamang pagsabog ang narinig at nagkakagulo na sa labas ng operating room. Nagising ang ina at narinig ang mga nagyayari sa labas. Nakita rin niya na umiiyak ang anak niya kaya agad naman niyang kinuha at pilit na lumabas ng kwarto dahil nakakakita na siya ng usok sa may pinto. Kahit masakit ang nararamdaman niya, pilit siyang tumakbo sa labas at nakakita ng wheelchair. Kinalong niya ang baby at pinaandar ang wheelchair papalabas ng ospita.
Naiiyak ang babae sa sakit na nararamdaman niya pero ito rin ay may halong tuwa dahil nailabas niya ang baby niya sa kapahamakan. Humingi siya ng tulong at agad agad naman siyang nakita ng ibang nurse at siya ay pinahiga sa isang stretcher sa may ambulance. Tinignan niya ulit ang kanyang anak at binulong sa nurse kung ano ang dapat ipangalan sa kanya bago ito pumanaw.
Uwaaaa! Uwaaa! patuloy sa pagiyak ang baby habang nakahiga sa tabi ng ina....
BINABASA MO ANG
Tamad Ako, Masipag Siya
HumorMasaya ang buhay ko, hindi stressful, walang problema at higit sa lahat walang drama. Ito ang istorya ni Jackie Romero. Everything seems to be easy pero nung dumating ang isang lalaking nagpagulo ng buhay niya, her world became something she never e...