<Drake's POV>
Hindi matanggal sa isipan ko kung ano yung nangyari kanina. Siya lang talaga ang babaeng nagpapatulala sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan simula pa lang nung high school kami. Napansin ko na siya dahil siya lamang ang tanging babaeng nakakakuha ng atensyon ko.
Most of the time, naiinis ako sa mga babae dahil maarte sila at walang ginawa kung di ang magpacute. Konting ngiti ko lang sa kanila eh parang linta na kung makakapit sa akin. May mga babae rin sobrang nahihiya sa akin at di ako matignan sa mata pagkinakausap ko. May mga babae ring napagsabihan ko lang ay umiiyak agad.
Pero si Jackie, iba siya. Siya lang ang unang babae na sinigawan ako at binigyan nang emosyon ang buhay ko. Ngayon na nakita ko na ulit siya, di ko na siya pakakawalan pa.
Bago ako umalis ng opisina sinabi ko kay Ms. Karrylle na icontact si Jackie Romero because she got the position. Tinignan niya ako ng matagal bago niya ginawa yon.
Now that Jackie will be around, things will be interesting. I'm sure na kukunin niya ang offer dahil malaki ang utang na loob niya sa akin. Nakangiti ako habang iniisip yon. Bigla kong nakita ang plastic bag na nasa tabi ng sofa. Tinignan ko yun at nakita ko na yun yung skirt na duguan ni Jackie. May naisip akong idea. Ipapa laundry ko yung skirt niya the I will personally give it to her para makita ko siya today and mayaya ko magdinner.
Kinuha ko yung plastic bag at pumunta ako sa pinakamalapit na laudry shop. Pawis na pawis ako dahil mainit ngayon at nilakad ko lang since nasa kabilang kanto lang. Pumasok ako sa may laudry shop at ibinigay sa isang matandang babae ang plastic bag.
Ako: Pwede pakilaba ng mabilis kasi kelangan ko na siya agad. Magkano ba pagrush?(Habang sinasabi kong hingal na hingal at nagpupunas ng pawis)
Manang:PHP 150 per piece. In 30mins lang makukuha mo na siya.
Biglang may pumasok na dalawang pulis na mukang may hinahanap. Nagtatanong sila kung may nakita silang suspicious na tao na dumaan sa shop na ito kasi may babaeng narape sa may kanto, wala na daw panty, palda at duguan. Isang mukang binata daw at nakacorporate ang nakita nilang gumawa, pero di namukaan.
Tamang tama habang sinasabi ng lalaki ang description, inilabas ni manang ang laman ng plastic bag. Nagulat ang matanda dahil yung skirt na hawak niya ay puno ng dugo at biglang nalaglag ang panty sa sahig na nababalot sa dugo.
Nanlaki ang mata ng mga pulis pati si Manang nagsimulang sumigaw.
Manang: IKAW!!! IKAW ang rapist!!!!!!
Ako: Huh? Di naman akin yan eh. Mali ang iniisip niyo!!!
Pulis 1: Sumama ka muna sa amin sa presinto! Manang pakilagay sa plastic bag ang mga yan!
Pulis 2: (Kumuha ng posas at pilit na inilalagay kay Drake) Arestado ka, tumawag ka na ng abogado mo. You have the right to remain silent and.....(di ko sure kung ano yung sinasabi ng pulis eh)
Ako: Huh? Maniwala kayo! Di ako rapist. Mali kayo! Kay Jackie yan!!!!!! Menstration lang yan!! JACKIE!!!!!!!!!!! Kahit amuyin niyo pa!!
BINABASA MO ANG
Tamad Ako, Masipag Siya
HumorMasaya ang buhay ko, hindi stressful, walang problema at higit sa lahat walang drama. Ito ang istorya ni Jackie Romero. Everything seems to be easy pero nung dumating ang isang lalaking nagpagulo ng buhay niya, her world became something she never e...