Chapter 3: Embarassing moment #1

30 2 0
                                    

<Jackie's POV>

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Hindi ako masahdong makatulog dahil lagi ko nakikita yung aso at si Drake tuwing pumupikit ang mga mata ko. Nakakainis naman eh, kung kelan ako magkakainterview chaka ko pa siya nakita. Pwede naman bukas, sa saturday or sunday! Bakit kasi kahapon pa, sakit tuloy ng ulo ko! Bwisit talaga yung lalaking yun, wala nang ginawang masaya sa buhay ko.

Tumayo ako agad at pumunta sa may banyo upang maligo at magready na.

AHHHH!!!!!!!!!

May pimples nanaman akong malaki!!!!!!!!!!!! Kaasar talaga!!!!

Bakit ba kasi sa tuwing magkikita ko siya eh nagkakapimples ako ng malaki?! Kinukulam ako siguro nun. Kainis, ang panget na ng araw ko!

Naligo ako at isinuot ko ang nagiisa kong corporate attire. Mejo maliit na sa akin yung white skirt ko pero kelangan ko siyang isuot dahil wala na akong ibang formal na skirt.

Hmmmm....sa unang sweldo ko bibili ako ng skirt.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nagmake-up ng konti para mas mukang presentable at matakpan ang redness ng aking pimples. Sa tingin ko muka na akong presentable sa black silk long sleeves and white skirt ko.

Paglabas ko ng aking maliit na unit dito sa may ortigas area ay agad akong pumunta sa sakayan ng bus. Mukang mapapaaga ang dating sa interview ko dahil wala naman mashadong traffic.

Nang makarating ako sa address na itinxt sa akin ng human resource pumunta ako sa floor kung saan gaganapin ang interview.  May dalawang babae at isang lalaki akong naabutan sa may reception area ng floor at mukang iinterviehin din sila.

Mga muka silang smart sa kanilang suot dahil bukod sa may itsura sila, naka fromal sila ng bonggang bongga as in yung tipong may coat and tie for guy at ang mga babae ay naka bun pa ang buhok at maganda ang pagkakamake up nila. Tipong professional ang gumawa at muka silang magpipictorial.

Pagkaupo ko sa tabi nila, tinignan ako from head to toe na muka akong di kaaya ayang tignan. Lalo akong ninerbyos dahil sa mga itsura nila. Nagpray na lang ako na sana mas matalino ako sa kanila kahit inexperience pa ako.

Dumating Si Ms. Karrylle at sinabi sa amin na kakadating lang ng boss niya na magiinterview sa amin. Isa isa kaming iinterviewhin and after nun, hintayin na lng ang tawag mula sa kanila.

Unang tinawag yung babaeng mukang model ng isang high class fashion magazine at may mataas siyang sapatos kaya naman mas naging sexy siyang tignan. Siguro kung lalaki ang magiinterview, I'm sure siya na ang kukunin.

Lalo akong kinakabahan yung tipong pawis na pawis na ang kilikili ko at ang sama ng tiyan ko na parang puro hangin, pati puson ko sumasama. Ganito ba talaga ang interview? Grabe parang mas gusto ko pa madeads kesa makausap ung boss.

Isa isang silang tinawag at yung mga nauna ay umalis na. Tinawag ako ni Ms. Karrylle at pinapasok ako sa isang malaking opisina ng boss niya. Pagpasok ko, nakatalikod ang upuan at nakaharap sa bintanang may city view. Pinaupo ako sa gitna ng room kung saan may isang monoblock. Umupo ako at umalis na si Ms. Karrylle at isinara ang pinto. Grabe pasuspense siya. Parang police na nageembestiga sa isang krimen. Or parang boss ng isang mafia at pinadakip- ako -feeling. Kulang na lang manigarilyo siya habang nakatalikod sa akin, mafiang mafia na.

Nagulat ako ng bigla nagsalita ang isang tinig ng lalaki,so tell about yourself?

Ummmm.....(OMGEEEE!!!! katakot to the max) Hi! I'm Ja...Jackie Maria Romero and I just gra....

Biglang tumayo ang lalaki at humarap sa akin.

Napatigil ako sa sasabihin ko dahil nakita ko si Drake Mendoza!

Tamad Ako, Masipag SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon