<Jackie's POV>
Ako: Huh? AYOKO NGA!!! Working with you would be the last thing I would do.
Drake: Its for you. I'll teach you how to work hard. Hindi yung ganyan na parang high school ka pa rin. You'll learn a lot from me. Malay mo ma-inlove ka pa sa akin. Sabay kindat.
Namula ako sa sinabi niya. Grabe paano siya nakakaisip ng ganun. Pero sige na nga since kelangan na kelangan ko rin ng pera. Siguro I have to make a deal with him para patas kami kasi I'm sure pahihirpan niya ako. Knowing him before.
Flasback
Hoy! Babae! Tumulong ka nga dito, kanina ka pa tulog jan! Narinig kong isinisigaw ni Drake. Kahapon pa akong walang tulog dahil sa pinapagawa niya. Hindi na siya naawa sa akin. Alam kong grade ko din naman ito pero kung sana tumutulong siya sa akin gawin yung math project namin siguro tapos na ito kahapon pa. Ang dami dami niyang excuse kesho siya daw ang president ng student council at marami pa siyang kelangan tapusin. I understand naman pero if maybe he could give at least one hour of his time para dito. Kahit na dito kami sa condo niya gumagawa ng project, at katabi ko siya, parang wala pa rin siyang pakeelam sa akin. Hay, nabigyan nga ako ng matalinong partner pero wala rin kwenta.
Ako: Can you please just give me 30 mins of sleep. Ikaw rin, tulog tulog din kung may time. Sabay higa ng ulo ko sa may sofa.
Drake: We have deadlines so please stop being such a brat. Di ka nakakatulong sa situation. Kahit makalahati ka lang then we can do the rest tomorrow.
Ako: Wala na akong lakas! I can't do this anymore. Ikaw kaya tumulong ka para mapabilis. I'm sure madali mo lang ito gagawin
Drake: Ano ka ba! Ang simple simple lang ng pinapagawa ko sayo kinatatamaran mo pa. You just have to find the answer and we can start doing the theory.
Ako: Eh hindi ko nga masagutan eh! Wala nang lumalabas sa utak ko!
Drake: Just answer question 1 and 2. I'll do the rest.
Ako: Sasagutan ko pero check mo rin ah.
Drake: Siguro naman di ka magkakamali dyan. Ang dali dali lang niyan.
Ako: Oo na , ikaw na matalino. Ikaw na perfect!
I tried answering the questions kaso di ko talaga maintindihan. Ano ba kasing klaseng math ito. Bakit ba kelangan ifigure out kung anong probability nito eh di naman ito nagagamit sa totoong buhay. Di ko namalayan sa kakaisip ko eh nakatulog na ako. Nagising na lang ako sa sikat ng araw at sa isang mainit na hininga sa akin tenga.Nakapulupot ung kamay ni Drake sa katawan ko habang ako naman ay nakasubsub sa may chest area niya na nakatopless!. Good thing is naka damit naman ako pero ang weird pa rin dahil magkatabi kaming natulog at eto ang first time kong matulog kasama ang isang topless na lalaki. At may naramdaman akong isang matigas na tumutusok na bagay na malapit sa akin tiyan. Dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin di ko makita kung ano yun kaya hinawakan ko na lang.
OHSHIT! Napalakas ata yung sigaw ko dahil nabigla siya at narealize din niya na magkayakap kami at hawak ko ang kanyang tooot. Bigla siyang kumawala at pumunta agad agad sa banyo. Di ko alam kung anong gagawin. Tumayo na lang ako at inayos ko ang sarili ko. Grabe nakakaconcious pala yung ganun.Bakit ko ba kasi hinawakan! Di ko na malilimutan yun. It will forever burn in my head.
Nung narinig ko yung pinto yumuko ako at nagayos ayos ng gamit para mukang busy at walang pakeelam sa nangyari. Sobrang awkward kasi eh. Kelangan ko ba magsorry? Akala ko kasi kung ano yun eh. My goodness! This is maddness! kelangan ko siyang harapin para di matapos na yung iniisip ko.
Ako: Drake! I'm sorry, di ko sinasadya. Mahina kong sinabi.
Drake: Hmmm....kelangan mo kong panagutan!
Nagulat ako sa sinabi niya pero no way! Ayokong maging miserable forever ang buhay ko!
Ako: Ayoko nga! Never! Nahawakan ko lang naman eh.
Nagsmirk lang siya. At unti unting lumapit sa akin. Unti unti rin akong lumayo sa kanya. May naapakan akong pencil at nadulas ang paa ko. Hinintay kong sumalpak ako sa semento pero naramdaman kong isang kamay ang nakahawak sa bewang ko at sa pwet ko. PWET?! Hinawakan niya ang pwet ko!!. At dahil doon, nasampal ko siya at nabitawan niya ako.
Drake: WHAT WAS THAT FOR?!!!!
Ako: Bastos ka! Manyak Ka! PERVERT!!!
Drake: I just want to save you. Ako pa yung naging bastos. Napakaclumsy mo kasi.
Ako: Eh bakit naman kasi lumalapit ka sa akin?! At irerescue mo na lang ako sa pwet ka pa humawak!
Drake: Gusto ko lang punansan yung natuyong laway mo sa muka! Kadiri kasi eh
Agad agad akong tumakbo ng cr pero wala naman akong nakitang laway sa muka ko. Narining ko na lang siyang tumatawa at sinabing "I guess we're even."
-end of flashback-
Ako: Before akong pumayag sa pagiging secretary mo, we have to make a deal para patas tayo.
Drake: Fine with me
Ako: Kelangan dagdagan mo ang bayad mo sa akin
Drake: Ok, pero sa weekend kelangan pumunta ka dito para linisin ang condo ko.
Ako: Ok, pero overtime pay yun ah at ililibre mo ako ng food. I'll be your secretary every weekdays and sa weekend lilinisin ko condo mo.
Drake: Fine, lahat ng iuutos ko sayo kelangan gawin mo ah.
Ako: Depende noh. Pagmasisira pagkatao ko, di ko gagawin.
Drake: Basta! Gawin mo!
Ako: Fine! Basta pakainin mo ako.
Drake: Don't worry! I'll teach you some lesson para gumanda naman yang buhay mo.
Yes, pumayag siya sa gusto ko. Doble bayad ko and may overtime pay pa. Libre pa food. Sure na makakaipon na ako at mababayaran ko na ang utang ng magulang ko.
BINABASA MO ANG
Tamad Ako, Masipag Siya
HumorMasaya ang buhay ko, hindi stressful, walang problema at higit sa lahat walang drama. Ito ang istorya ni Jackie Romero. Everything seems to be easy pero nung dumating ang isang lalaking nagpagulo ng buhay niya, her world became something she never e...