Roller Coaster: Masakit Man Minsan, Happy Ending Pa Rin

393 6 2
                                    

Ilang taon na rin ang nakalipas ng maranasan ko ang unang sakit na pinaramdam sa akin ng mundong ito. Kinuha sa buhay ko ang itinuturing kong pinakamahalagang babae sa buhay ko, ang aking Mommy.

Lagi akong tulala at hindi makausap ng maayos. Pinipilit kong limutin ang sakit pero hindi ko malimutan na ang buhay ko ngayon ay magpapatuloy ng wala siya.

Hingahan ko ng kalungkutan ang malawak na tubig sa kahaabaan ng Roxas Boulevard. Sa tuwing nakikita ko ang banayad na alon ng look ay aking sinasariwa ang pag-aaruga sa akin ni Mommy. Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing aking naalala ang mga panahong aming pinagsaluhan, masaya man o malungkot. lalo kong nararamdaman ang sakit sa tuwing makikita kong palubog na ang araw at ang liwanag at dilim ay nag-aagaw na sa kalangitan.

Hindi ko maiwasang humiwalay sa mundong ito habang nasa lugar na iyon at magmistulang isang baliw sa isang mundong tila isang roller coaster ride na paikot-ikot.

"Napakaganda ng tanawin para malungkot ang isang napakagandang babae." isang hindi pamilyar na boses at mukha ang bigla na lamang sumulpot mula sa aking likuran.

hindi ako kumibo dahil hindi ko naman siya kilala.

"Hindi ako masamang tao huwag kang mag-alala. Ako nga pala si Daniel. Ikaw?"

Hindi pa rin ako sumagot.

"Masaya at maikli ang buhay. Huwag mong sayangin ang isang araw para magmukmok lang. marami kang puwedeng gawin imbes na malungkot ka."

nakaramdam na ako ng inis dahil sa kakulitan ng lalaking ito.

"Excuse me, hindi mo alam ang pinagdadaanan ko kaya wala kang karapatang sabihan ako sa kung ano ang dapat kong maramdaman."

"Eh kung sinasabi mo sa akin eh di maiintindihan kita."

mas lalo akong nairita dahil sa nakangiti pa siya habang sinasabi ang mga salitang kanyang binitiwan.

"Hindi maganda sa isang babae ang nakasimangot lagi. papangit ka bahala ka."

"Wala akong pakialam sa iyo. umalis ka na nga!!"

"Hala! ayan na. lumalaki na ang butas ng ilong mo!"

"Will you please shut up!"

"Yan pa, tignan mo yung labi mo kumakapal!"

hindi na ako sumagot pa dahil lalo lang akong maiinis kapag nagpatuloy pa ang pag-uusap namin.

"Ngumiti ka naman. ayaw ko lang din naman kasi ng nalulungkot dahil alam ko ang pakiramdam ng mga taong pinagdaraanan ang ganyang sitwasyon."

"Hindi mo ako maiintindihan!! Wala na akong Mommy!!"

"Ako nga Papa at Mama ang wala eh."

Natahimik ako. naisip ko na kung masakit mawalan ng isa sa iyong mga magulang, paano pa kay kung pareho itong wala na.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. nakatingin lamang kami sa papalubog ng araw.

"Ako si Egie. pasensiya ka na. gusto ko lang kasi talaga mag-isa at hindi ko pa rin malimutan ang sakit ng pagkawala ni Mommy."

"Ganyan talaga. masakit talaga sa una pero sa bandang huli matatanggap mo na rin yan. Hindi titigil ang oras para hintayin ka. patuloy lang ito sa pag-ikot at ikaw ang magdedesisyon kung magpapaiwan ka o sasabay ka."

"Salamat Daniel. Hindi man tuluyang mawala ang sakit a least ay alam kong may karamay ako at may nakakaintindi sa nararamdaman ko."

"Lahat ng tao ay may kakayanang solusyunan ang mga problema sa buhay. just go with the flow lang Egie! Malalampasan mo yan."

"Salamat talaga Daniel. Paano kailangan ko ng umalis. Baka hinahanap na rin ako ni Daddy."

"Sige, salamat din Miss Supladita. hindi pa kita nakikitang ngumiti."

wala ako sa mood na maging masaya pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay ngumiti ng kusa ang aking mga labi.

nakaramdam ako ng saya habang naglalakad pauwi. hindi ko alam kung dahil ba sa nalaman kong may mga katulad ako ng sitwasyon o dahil nakilala ko si Daniel.

Hindi ko man tuluyang maamin pero alam ko sa sarili ko na gusto kong muli siyang makita. hindi ko naman alam ang number niya at mahirap din namang hanapin siya sa facebook sa dami ng Daniel sa buong mundo.

Nagpupunta pa rin ako sa baywalk hindi para magsenti kundi nagbabakasakaling muli kong makita ang lalaking nagpasaya sa akin sa gitna ng kalunngkutang aking nadarama.

pilit kong sinearch siya sa iba't ibang mga social networking sites pero hindi ko siya makita. lahat ng paraan para makita siya ay ginawa ko pero wala talagang lumalabas na tugma sa kanyang mukha.

hindi ako nawalan ng pag-asa na muli kong masusulyapan ang ngiti sa kanyang mga labi. mga ngiting nagkukubli sa mga kalungkutang kanyang nararamdaman. ngiting muling nagpakita sa akin na maaari pang muling sumaya sa mga sitwasyong gusto na nating umayaw.

sa kasamaang palad, nabigo akong muli siyang mahanap. lumipas ang maraming taon at hindi ko alam na muli akong makararamdam ng sakit na tila doble pa sa una kong naranasan..

Roller Coaster: Masakit Man Minsan, Happy Ending Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon